Kaizer's POV
Ikatlong araw ko na ngayon dito sa dragon village simula nang manuluyan muna ako sa bahay nila Elder Dragnar at Airi, yung isang araw ay ginamit ko lang upang makipagkwentuhan maghapon kay Elder Dragnar patungkol sa mga dragon
Dahil nga sa mahilig talaga ako sa mga dragon at ngayong mayroong isang dragon ang nasa harapan ko talagang hindi koi yon palalampasin, kaya naman ang result ay maghapon lang akong nasa bahay nila Elder Dragnar kahapon at nakikipagkwentuhan sa kanya
Anyway ngayon naman ang plano ko ay libutin ang buong dragon village, sabi kasi sa akin ni Elder Dragnar mas maganda daw na libutin ko ang buong village para naman makita ko kung paano talaga nabubuhay ang mga tunay na dragon
Syempre ako naman masyadong naexcite, to the point na halos isang oras lang yung tulog ko kagabi sa kakaisip sa gagawin ko kinabukasan
Pero don't get me wrong, hindi porket parang easy easy lang ako ay ibinaba ko na ang depensa ko, nananatili akong alerto anumang oras para sa muling pagsalakay nung isa pang grimoire holder
Ang pagkuha pa din sa hawak niyang grimoire ang pinakamain goal ko kaya ako naririto pero syempre tutal nandito na din naman ako mas magandang sulitin ko na din hindi ba?
Sayang yung pagkakataon na ibinigay sa akin kung hindi pa ako mangangalap ng impormasyon tungkol sa mga tunay na dragon
Anyway tama na yung paliwanag ko tungkol sa kung anong mga pinagagagawa ko nitong mga nakaraang araw, kasalukuyan kami ngayong naguumagahan nila Elder Dragnar at Airi
Pero pansin kong parang ilang sa akin si Airi, hindi niya kasi ako masyado kinakausap tapos ay parang iniiwasan niya pa ako, shame... gusto ko pa naman sana siya maging kaibigan kaya nga lang mukhang ayaw niya sa akin
"0h Dark bakit hindi mo pa kinakain yang pagkain mo?" napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Elder Dragnar, ngumiti ako nang tagilid sa kanya tapos ay bahagyang nagkamot ng ulo saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko
Nga pala masasarap yung mga pagkain nila dito sa village, hindi ko alam kung anong klase nang pagkakaluto ang ginagawa nila pero talagang masarap
Magpapaturo nga ako kay Elder Dragnar bukas nang paraan ng pagluluto nila eh
Nang matapos kaming magumagahan ay nagpaalam na muna ako kila Elder Dragnar na maglilibot libot sa buong village, syempre pumayag siya tapos sabi niya ay gusto niya pa nga daw akong samahan kaya nga lang may mahalaga siyang gagawin ngayong araw
Syempre sinabihan ko siyang ayos lang yon dahil naiintindihan ko naman yung pwesto ni Elder Dragnar, isa siyang elder ng isang village kaya naman talagang marami siyang ginagawa
Paglabas ko ng bahay nila Elder Dragnar ay nagunat unat ako nang kaunti saka ako nagsimula nang maglakad, habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga dragon na nakahuman form
Medyo nakakailang nga eh, pero ayos lang naman iyon dahil sa alam ko namang nacucurious lang sila sa akin dahil sa bihirang bihira silang makakita ng ibang nilalang sa loob ng kanilang village
Nginingitian ko na lang silang lahat kapag tumitingin sila sa akin para naman malaman nilang wala akong balak na gumawa ng masama dito sa village nila, in fact gusto ko pa nga silang tulungan eh
I want to help them preserve their race, kung eestimahin ay halos aabot na lang sa daan ang bilang ng dragon sa village na ito, napakakaunti na noon kung ihahambing sa dati nilang bilang
Anyway pinagpatuloy ko na lang ang paglilibot libot ko hanggang sa bigla na lang lumabas ang vs ko na may sinasabing announcement
[A New Kingdom has been Discovered]
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...