Chapter 75 - The War Has Begun

1.4K 98 29
                                    

Kasalukuyan ako ngayong nakatunganga sa bintana ng kwarto ko at nakatingin sa malayo

Mababakas ang kaseryosohan at pagalala sa aking mukha habang malalim ang aking iniisip

Inaalala ko kasi yung gyerang magaganap mamaya, but dont get me wrong

Hindi ako nagaalala para sa kaligtasan ng mga taga Earth, ang inaalala ko ay yung mga taga Thera

Siguradong malaki ang epektong iiwanan ng malaking gyera mamaya, lalong lalo na sa mga taga Therang nasa kapatagan ng Harue ang ikinabubuhay

Tch! Mga baluktot kasi magisip nakakainis

Naging matunog lang ang pangalan ng guild namin kung ano ano ng pinagiisip

Mga gawain ng mga ugok hindi ba?!

Hays! What a drag!

Isinantabi ko na lamang ang aking mga iniisip at sa halip ay pumasok na lang ako sa banyo at naligo

Pagkatapos kong gawin ang daily routine ko tuwing umaga ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining room

Doon ay naabutan ko ang mga kaibigan ko na kumakain na ng almusal pero kakaiba silang lahat ngayon

Kadalasan tuwing nagaalmusal sila ay napakasigla at saya ng hapag pero ngayon ay kabaliktaran ito

Puno ng kaseryosohan at katahimikan ang hapag habang ang mga kaibigan ko ay mga lutang at nakatulala sa hangin

Napakamot na lamang ako ng aking batok dahil sa nakikita kong inaasal ng mga kaibigan ko ngayon

Mukhang hindi lang pala ako ang namomroblema sa labang magaganap mamaya at mukhang mas namomroblema pa sila kesa sa akin

It's kinda funny to think that mas grabe pa sila kung mamroblema kesa sa akin, partida pa yan hindi pa nila alam na isang totoong mundo ang Thera

Papaano pa kaya kung alam nila diba? Siguro baka hindi na nila magawa pang makatayo haha

Anyways dahil hindi naman nila ako napapansin ay ako na lang ang magpapapansin sa kanila

"Hey guys" bati ko sa kanila na dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat

"Morning Kaizer" bati sa akin ni Rhaine habang nakangiti pero panandalian lamang iyon at mabilis ding nawala ang ngiti mula sa kanyang labi

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Rhaine tapos ay kumuha ako ng pagkain at sinimulan ko na ang pagaalmusal

Habang nagaalmusal kami ng mga kaibigan ko ay mas lalo kong napansin ang pagaalala sa mga mukha ng mga kaibigan ko

Dahil doon ay napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko alam kung kinakabahan sila dahil sa dami ng mga makakalaban namin mamaya o sa maaring posibilidad na matalo kami na sa tingin ko naman ay napakalabo

"Loosen up guys, seeing you guys like that is kinda weird" sabi ko na ikinabigla naman nilang lahat kaya napatawa ako "All of you should relax, walang mangyayari kung magiisip kayo ng magiisip. Anyway mauna na ko dahil tapos na ko kumain, kita na lang tayo sa school" saad ko pa pagkatapos ay tumayo na ako at inilagay ko sa hugasan yung platong ginamit ko

Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa sala kung saan nakalagay yung bag ko, isinukbit ko iyon pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa pinto

Bubuksan ko sana ang pintuan nang may magsalita sa aking likuran

"Wait lang Kaizer, sabay na ko sayo" pakiramdam ko ay uminit ang aking buong mukha ng marinig ko ang boses niya

Para akong tangang dahan dahang humarap sa kanya, pagkaharap ko kay Rhaine ay sumalubong sa akin ang isang masiglang ngiti sa kanyang labi na naging dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kanya

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon