Chapter 84 - The Third Continent of Thera

989 42 7
                                        


Kaizer's POV

Kasalukuyan ko ngayong kaharap ang lahat ng mga pinakamahahalagang tao ng bawat bansa dito sa Earth at lahat sila ngayon ay diretso lamang na nakatingin sa akin, hinihintay na lang siguro nilang simulant ko na ang pagpupulong

Panandalian akong huminga ng malalim pagkatapos ay nagsimula na akong magsalita

"Magandang umaga sa inyong lahat" panimulang bati ko sa kanila "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa at didiretsuhin ko na kayong lahat, tutal naman alam niyo na kung para saan ang meeting na ito hindi ko na kailangang magpaliwanag pa" dagdag ko pa tapos ay kinuha ko ang isang maliit na remote sa aking tabi, pinindot ko ang isa sa mga button nito at sa isang iglap ay lumabas ang virtual screen sa harapan nilang lahat

"Pindutin niyong lahat ang play button na nasa gitna ng virtual screen at panandalian muna kayong manahimik para intindihin ang nilalaman ng videong iyan" saad ko sa kanila

Nakita kong isa isa na nilang sinimulang pindutin ang play button sa video, nakatutok ang mukha ng lahat sa mga pinanonood nila hanggang sa dumating na sa puntong...

"Holy fuck!" bulalas ng isang pangulo mula sa likuran, nakatayo pa nga siya sa upuan niya kaya naman nasa kanya na yung atensyon ng lahat ng mga nasa loob ng kwarto, nang medyo makarecover siya umubo na lamang siya ng peke pagkatapos ay muling umupo

Ilang saglit pa ay sunod sunod na ang mga pagatayo ng mga tao sa loob ng kwarto habang mayroon silang mga kaparehong mga reaksyon nung naunang lalaki na tumayo kanina

Habang sila ay halos hindi na makagalaw sa kinauupuan nila ako naman ay nasa harap lang at nakain ng chocolate bar habang hawak hawak ko sa aking kaliwang kamay ang isang pandan shake, hindi ko pa naman kasi makakausap ng matino yang mga yan ngayon kaya medyo pahuhupain ko muna yung mga utak nila sa pagiisip

Pero napapansin kong may mga nanatiling tahimik na siguro ay akala edited yung video, well sila talaga yung gusto kong makitaan ng mga gulat na ekspreson kapag nilabas ko na yung pasabog haha

Pagkalipas ng ilang minuto ay napansin kong namatay na yung mga virtual screen sa mga harap nila ibig sabihin tapos na yung video, sakto tapos na din ako kumain eh

"Ehen" kunwaring pagubo ko para makuha ko ang atensyon nilang lahat, mga nakatulala kasi ang karamihan sa kanila habang ang mga natitira naman ay kung hindi nagiisip ay nakangisi lang ng pahilim... little they did know I have the biggest smug grin inside the room, feels bad for them

"Bago ko simulant ang paliwanag at pagbibigay ng ebidensya may mga ipapatawag lang ako" pagiinform ko sa kanila, syempre sila naman nagtataka kasi dapat ay confidential tong mapaguusapan dito sa loob ng kwartong ito "Sebastian, papasukin mo na sila" bulong ko sa butler namin at mabilis naman akong nakarinig ng tugon mula sa kanya

Ilang saglit pa'y nakarinig na ako ng mga yabag ng paa mula sa labas kaya naman napangiti na lamang ako, ilang segundo pa at bumukas na ang pintuan ng kwarto at mula doon ay bumungad sa amin ang sandamakmak na press mula sa iba't ibang panig ng mundo

"Welcome" masayang bati ko sa kanila "Please come in, kailangan ng presence niyo ngayon" sabi ko sa kanila at sila naman ay kabi-kabilang 'thank you' lang ang sabi sa akin

Isa isa na silang pumasok sa loob ng kwarto at nang makita kong may nagbabalak na pigilan sila sa pagpasok ay agad akong nagpakawala ng mabigat na aura sa loob ng buong kwarto

Napansin ko ang panginginig ng tuhod ng lahat ng naririto sa loob ng kwarto habang ang iba'y pinagpapawisan na ng malamig at mayroong takot na ekspresyon sa kanilang mga mukha

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon