Chapter 39 - Black Skull Strikes

1.7K 78 8
                                    


Kaizer's POV

Nakatambay ako sa terrace at nakain ng biglang mag ring ang cellphone ko, tiningnan ko ang caller at nakita ko ang pangalan ni Kevin, nakapag logout na din pala sila

"Hello" bati ko sa kabilang linya

"Yoh Kaizer" napansin kong parang matamlay ang boses ni Kevin ngayon, siguro ay hindi din siya nakakuha ng pet haha

"Bakit ka napatawad?"

"Hinahanap kasi namin kayo nila Rhaine at Izumi, magcecelebrate tayo ngayon. Nakatame ng isang summoned beast si Kurt" woah! Buti pa si Kurt nakatame samantalang ako nganga haha

"Sige pupunta na kami dyan"

"Ge hintayin namin kayo"

Pagkatapos noon ay tinapos ko na ang tawag at ibinaba ko na ang cellphone ko, inubos ko lang yung kinakain kong ice cream and then pumunta na ako kila Rhaine at Izumi

Pagdating ko sa pwesto nila ay saktong katatanggal lang nila ng mga nerve gears nila

"So how's the event for the both of you?" tanging malungkot na mukha lang at iling ang isinagot nila sa tanong ko, mukhang hindi din sila sinuwerte

"Eh ikaw Kaizer?" napaflinch ako ng tanungin ako ni Rhaine, iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bahagyang umiling

Nang tingnan ko ang mga ekspresyon nila ay nagulat ako, hindi kasi sila makapaniwala sa sinabi ko

"Weeeee?" sabay nilang tanong sa akin, akala siguro nila niloloko ko lang silang dalawa

"That's the truth, kanina nakakita ako ng tatlong summoned beasts pero tinakbuhan nila akong lahat" paliwanag ko sa kanila "Anyway hinahanap na tayo nila Kevin, magcecelebrate daw kasi nakatame si Kurt ng isang summoned beast" nagkatinginan silang dalawa tapos ay sabay na ngumiti

Pagdating namin sa rooftop ay naabutan namin sila na naghahanda nang mga pagkain at may nakahanda ng picnic cloth

"Yoh" bati ko sa kanila tapos ay nakipagfist bump ako kay Kurt at Ardent, yung dalawa ko pang kumag na kaibigan ay nasa canteen daw at bumibili ng pagkain "Nga pala congrats Kurt, nakatame ka pala haha" napangiti siya sa akin dahil sa pagbati ko sa kanya

"Eh ikaw? Siguradong nakatame ka ng SS class na summoned beast" napatingin sa amin lahat ng kaibigan namin dahil sa sinabi ni Kurt, lahat sila ay naghihintay ng isasagot ko, syempre ako naman kinakabahan kasi wala talaga akong natame eh haha

"Wala eh, nakakita lang ako kanina ng tatlong summoned beast kaso lahat sila tinakbuhan ako" sagot ko sa kanila habang kinakamot kamot ang batok ko

Nanlaki ang mga mata nila ng marinig nila ang sagot ko, lahat sila ay hindi din makapaniwala. Siguro ay akala nila nakatame ako dahil ako ang pinakamalakas sa grupo

Well yon din ang inaasahan ko eh kaya nga lang kabaliktaran yung nangyari

"Malay mo naman hindi sila yung para sayo diba? Makakahanap ka din ng pet mo" pagcocomfort sa akin ni Kurt habang tinatapik tapik niya ang balikat ko, nginitian ko na lang siya tapos ay umakbay ako sa balikat niya

"Nah, tama na yung drama. Nandito tayo ngayon para magcelebrate diba?" masayang sabi ko sa kanila kaya naman nagsipagngitian na ulit sila at ipinagpatuloy ang ginagawa nila

Pagkatapos naming magayos ay nagsipagupuan na kami sa picnic cloth, sila Kevin at Issei na lang ang hinihintay namin ngayon dala ang binili nilang pagkain

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon