Chapter 11 - Berserk

2.1K 102 2
                                    


Kaizer's POV

"Sleep well human" yan ang mga huling katagang narinig ko sa Diskoure bago ako tuluyang mawalan ng malay, nabigo ako! Hindi ko siya nagawang talunin! Isa akong mahinang nilalang

"Tsk! So anong gagawin mo hahayaan mo na lang na habang buhay kang maging mahina?" nagulat ako ng biglang may magsalita kaya't napadilat ako at bumungad sa akin ang purong kadiliman, wala akong anumang maaninag dahil puro kadiliman lamang ang bumabalot sa paligid ko

"Sino ka?!" malakas na sigaw ko sa nagsalita

"Tinatanong mo ako kung sino ako?" parang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin "Hindi ako makapaniwala sayo bata! Hahaha" dagdag pa nito

"Magpakita ka sa akin!" sigaw ko, fuck! Sino ba tong nilalang na to?!

"Kung yan ang gusto mo bakit hindi?!" sagot naman nito sa akin

Ilang saglit pa may biglang apoy na nagliwanag sa magkabilang gilid ko pero hindi ito normal na apoy lamang dahil imbis na pula ang kulay nito ito ay kulay blue, sunod sunod na nagliwanag ang mga kakaibang apoy na para bang may tinuturo sa aking daan.

Nagsimula na akong maglakad, sinusundan ko lamang ang mga kakaibang apoy sa magkabilang gilid ko hanggang sa makarating ako sa isang malaking pintuan, napakalaki ng pintuan na ito at nakakatakot pa dahil sa nakaukit dito na mga larawan.

"Pumasok ka bata" narinig ko nanaman ang misteryosong boses at mukhang sa loob ng pinto ito nangagaling

Hinanda ko muna ang sarili ko sa kung anong pwedeng mangyari kapag pumasok na ako sa loob ng pintuan na ito, hindi ko alam kung kalaban ba o kakampi ang naghihintay sa akin sa loob kaya't kailangan kong maghanda

Sinimulan ko ng itulak ng marahan ang napakalaking pintuan at tumambad sa akin ang isang malawak na kwarto, pero ito ay kakaiba dahil sa disenyo nito, para bang isang demonyo ang may-ari dahil ang disenyo ng kwarto at ang mga kagamitan sa loob ay may kaugnayan sa demons.

Sa pinakadulong gitna ng kwarto nakaupo ang isang misteryosong nilalang, nakasuot ito ng isang napakaitim na robe na naglalabas ng isang madilim na aura, kahit na tinitingnan ko pa lang ang aura na lumalabas na sa robe nakakaramdam na ko ng takot.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil ito ay nakatalikod sa akin, natigil lang ako sa pag-iisip ng magsalita ito

"Bata! Nagkita na din tayo sa wakas" nagagalak na sabi nito habang nakatalikod pa din sa akin at mukhang kumakain

"Sino ka?" tanong ko sa kanya

"Hindi mo talaga ako kilala?" natatawang tanong nito sa akin, tsk! Paulit ulit naman tong lalaking to! Tatanungin ko ba siya ng kung sino siya kung kilala ko siya diba?! What the fuck?!

"Hindi!" iritado kong sagot

"Kung ganon hayaan mo kong magpakilala sayo" sabi nito pagkatapos ay tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang itsura ng taong kaharap ko ngayon, paano?! Paanong?!

"Nagulat ka ba bata?" natatawang tanong nito sa akin habang naglalakad ng mabagal papalapit sa akin

"Pa-paano? Ba-bakit? S-sino k-ka?" kinakabahang tanong ko sa kanya

Bigla na lamang ito nawala sa kanyang pwesto kaya't nagulat ako, naramdaman ko na lang ang isang kamay na nakahawak sa balikat ko kaya't agad akong napatingin sa likod, shit! Paano niya nagawang gumalaw ng ganon kabilis habang tinatago ang kanyang presensya?!

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon