Chapter 42 - Downfall of the Corrupted Me

1.7K 65 2
                                        

Kaizer's POV

Sumugod ako papunta sa halimaw na kamukha ko, hihiwain ko sana ang braso niya kaya nga lang ay naiharang niya ang kanyang espada

Nginitian niya pa ako saka niya itinulak ang espada niya kaya naman napaurong ako, nagulat ako dahil sa lakas ng pwersa niya

Muli ko siyang sinugod pero muli ay hinarangan niya lang ng espada niya ang espada ko na para bang wala lang, mas lalo kong nilakasan ang pagtulak sa espada ko, ilang saglit pa ay naramdaman kong unti unti ng naurong ang espada niya

Napatingin ako sa kanya pero nginitian niya lang ako at isang iglap ay nawala siya sa kanyang kinalalagyan at ang naiwan na lang ay ang espada niya, muntik na akong matumba dahil sa biglaan niyang pagkawala, ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang ang isang malakas na suntok mula sa tyan ko

Lumipad ako patungo sa kisame ng kwarto at napansin kong nagkaroon ito ng malaking crack bago ako tuluyang bumagsak sa lupa

Pagbagsak ko sa lupa ay bigla na lang siyang nagpakita sa harapan ko at pinaulanan ako ng napakaraming suntok sa iba't ibang bahagi ng katawan ko, ramdam na ramdam ko ang sakit nang bawat suntok na ibinibigay niya sa akin

Kung isa lang siguro akong normal na player ay malamang kanina pa naging bali bali ang mga buto ko dahil sa lakas ng mga suntok na pinapakawalan niya

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na siya sa pagatake sa akin at tumalon siya nang mataas, mula sa itaas ay nagcast siya ng skill

"Clones!" malakas na sigaw niya at bigla na lang may lumabas na limang clones tabi niya, napanganga ako dahil sa nasaksihan ko, hindi lang yung lakas at appearance ko yung kinuha niya kung hindi pati na din yung mga skill ko

Lumusob ang limang clones sa akin ng sabay sabay kaya naman mabilis akong uminom ng maraming potion at ng bumalik na ang lakas ko ay mabilis akong umalis sa lugar na iyon, kitang kita ko kung paano bumaon ang lupang kinahihigaan ko kanina dahil sa pagatake ng mga clones

Nang makita ng mga clones na wala ako sa lugar na iyon ay agad nila akong hinanap at ng makita nila ako ay mabilis silang nagdash patungo sa akin, sinubukan kong tumakbo pero napalibutan nila akong lima

Ilang saglit pa'y bigla na lang silang umatakeng lima ng sabay sabay, mabibilis at malalakas ang mga binibitawan nilang pagatake kaya naman ay hinigpitan ko ang depensa ko

Sinubukan kong maghanap ng opening sa mga pagatake nila pero bigo ako, masyadong synchronized ang pagatake ng mga clones

No choice na ako kaya naman ginamit ko ang shadow walker skill ko, tumagos ako sa isa mga clones at mabilis kong sinaksak ng espada ko ang dibdib niya, nang mapansin ng iba pang clones ang ginawa ko ay mabilis silang nagsipagsuguran sa akin

Muli nanaman silang nagpakawala ng sunod sunod at malalakas na pagaake sa akin, mabilis kong isinasangga ang espada ko sa bawat pagatakeng binibitawan nila

Hindi katulad kanina na synchronized yung mga pag-atake nila at parang walang flaw ngayon ay nakakakita na ako ng mga butas, siguro ay dahil sa nabawasan sila ng isang myembro at hindi nila kayang ifill yung role nung kasamahan nilang nawala kaya naman may butas na ang mga pag-atake nila

Sa bawat opening na nakikita ko ay ako naman ang umaatake sa kanilang apat, wala akong opening na pinapalagpas dahil mas malaki ang pagasa kong manalo sa kanilang apat kung sasamantalahin ko ang kahinaan nila

Atake, depensa, atake, depensa, ganyan lang ang paulit ulit na ginagawa kong pakikipaglaban sa mga clones, nakikita ko na din na unti unti ng bumabagal ang mga galaw nila dahil sa mga pinsalang natatanggap nila mula sa mga atake ko

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon