Kasalukuyan ako ngayong nakaharap sa sangkatutak na kalaban namin, para silang mga tukmol na sigaw ng sigaw sa akin
Kesyo kailangan ko na daw tumakbo dahil seryoso na sila, at kahit na gaano pa daw ako kalakas ay hinding hindi ako manananalo sa kanila
At dahil sa mga ginagawa nilang iyon ay napabuntong hininga na lamang ako
They're really just a bunch of idiots or muscleheads bruh
Hindi ko na lang pinansin ang mga pinaggagagawa nila at sa halip ay sinenyasan ko na lang ang mga myembro ng guild ko na umatras na
Hindi naman ako nabigo sa gusto kong ipahatid sa kanila dahil agad din naman silang nagsipagatras
Walang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig habang naglalakad sila patungo sa likuran ko
Tanging mga seryosong mukha at bahagyang nakakainis lamang na ngiti ang makikita sa kanilang mga mukha
Marahil ay alam na nila kung ano ang mangyayari sa mga kalaban namin kaya mayroong mga nakakapang-taunt silang mga ngiti
Nang masiguro kong wala na akong kakampi sa loob ng battle field ay idineactivate ko na ang holy god form ko na naging dahilan upang mukhang mamisunderstand iyon ng mga kalaban ko
Akala siguro nila kaya ko ipinaurong ang mga kakampe ko at idineactivate ang holy god form ko ay susuko na ko
Mas lalo silang nagmukhang mga tukmol dahil mas lalong lumakas ang mga hiyawan at pangaasar nila sa akin
Hindi ko pinansin ang mga pangiinis nila sa akin at sa halip ay mabilis ko lamang na itinukod ang aking espada sa lupa kasabay ng pagpikit ko ng aking mga mata at ang pagpapalabas ko ng aking aura sa paligid dahilan upang tumigil ang mga kalaban ko sa ginagawa nila
Namayani ang katahimikan sa paligid dahil sa aking aura, tanging ang pagdampi lamang ng hangin sa mga puno at sa amin ang naririnig na ingay
Maging ang manonood sa paligid ay tumahimik at diretso lamang na nakatingin sa akin
Ilang saglit pa ang lumipas at mayroong nagsalita sa kabilang kampo
"Mga hunghang! Wag kayong magpapadaig dyan. Tinatakot lang kayo niyan!" sigaw ng isang lalaki sa hanay ng kalaban at pagkatapos noon ay nagsimula nanaman silang magingay na para bang humihiyaw na sila ng kanilang war cry
Ilang segundo lamang ang lumipas at nakarinig na ako ng mabibilis at mabibigat na yabag sa lupa na patungo sa akin
Mukhang nakapagdesisyon na sila at wala na akong magagawa kung hindi ang ibigay ang hinahanap nila
Mabilis kong idinilat ang aking mga mata kasabay ng pagtama ng ilang malalakas na kidlat sa aking paligid, ang lahat ng tinamaan ng kidlat na puno ay mabilis na naging abo
At ang abong iyon na lamang ang ebidensya na naroroon ang mga punong iyon kani-kanina lamang
Mabilis kong kinuha ang aking espada na nakabaon sa lupa, nang hinawakan ko ang handle ng aking espada ay bigla na lamang itong unti unting gumalaw at nagbago ng anyo
Mayroong lumabas na isang mata sa may handle ng aking espada, kulay pula ang iris ng mga mata nito habang ang natitirang bahagi naman ay kulay itim
Sa kabilang dulo naman ng hawakan ay lumabas ang ilang parang galamay ng isang halimaw at pumulupot ito sa akin kasunod ng pagtusok ng mga galamay nito sa aking palad
Dahil doon ay naramdaman kong parang biglang nagkaroon ng buhay ang aking espada at konektado na sa akin ito ngayon
Hindi lang ang handle ng aking espada ang nagbago, maging ang talim nito ay nagbago din
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
