Kaizer's POV
Matapos nang laban ay agad na kong lumapit kay Fae tapos ay dumiretso na kami sa sikretong lagusan na sinasabi ni Orkoz
Alam kong manghihinala sila Kevin sa nasaksihan nila kanina pero may counter measure na ako doon, yung ginawa kong pagpatay kay Orkoz ay kasama sa aking plano para naman mabawasan ang paghihinala nila
"Dark pwede ko bang malaman kung bakit nagbago ang anyo mo kanina nung kinalaban mo si Taro at Grollo?" tanong sa akin ni Fae, napansin kong nangangatog ang mga kamay niya kaya naman hinawakan ko ito
"Saka na ko magpapaliwanag Fae, sa ngayon ang importante ay mailigtas natin ang mga kasamahan mo" nakangiti kong sagot sa kanya
Nang marating namin ang sikretong lagusan na sinasabi ni Orkoz inihanda ko na ang sarili ko, hindi imposibleng mayroong mga patibong na nakatago dito sa loob nang lagusan
Nang pasukin namin ang lagusan ay bumungad sa amin ang isang napakalaking pasilyo, walang ilaw sa loob kaya naman napakadilim
Habang naglalakad kami ay nararamdaman kong lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Fae sa kamay ko
"Ayos ka lang ba?"
"A-ayos lang ako medyo kinakabahan lang, wala kasi akong makita dito eh, masyadong madilim yung kwarto" sagot niya sa akin
"Wag kang mag-alala, kung mayroon mang kalaban na nandidito sa loob nang pasilyo ay sisiguraduhin kong hindi ka niya mahahawakan" pagre-reassure ko sa kanya
Mukhang effective naman dahil nabawasan ang pangangatog nang kamay niya
Nang marating nmain ang dulo nang pasilyo ay bumungad sa amin ang isang napakalaking pinto, ayos siguradong nasa loob na nang malaking pintuan na ito ang mga kasama ni Fae
Pagkabukas ko nang pinto ay sumalubong sa amin ang iilang mga orc na nagbabantay sa mga kulungan, sa loob nang kulungan ay kitang kita ko ang kaawa awang kalagayan nang mga elves
"Mga kala..." hindi na natuloy nang isang orc ang sasabihin niya dahil ginilitan ko na ang leeg niya
Pagkalipas lang nang ilang Segundo ay nakatihaya na sa sahig ang lahat nang mga orc na nagbabantay sa mga kulungan
Lumapit na ko sa mga kulungan at inisa isa kong sirain ang mga kandado nito, nang mabuksan ko na ang lahat nang kulungan ay namayani ang malakas na iyakan sa buong paligid
Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nilang lahat
"Ama!" napatingin ako kay Fae nang marinig ko siyang sumigaw, nang makita ko siya ay nakita kong yakap yakap niya ang isang lalaking elf na kamukhang kamukha niya
Hinayaan ko muna silang lahat na magsaya sa loob nang silid habang ako naman ay dumiretso sa madilim na pasilyo na dinaanan namin kanina ni Fae
"Gramps alam kong nandito ka" malakas na sigaw ko
"Haha sabi na nga ba at mararamdaman mo ang presensya ko" nakangiting sabi sa akin ni Gramps habang naglalakad papalapit sa akin
"Nga pala Gramps, nasa akin pa din pala yung kakayahan kong magtransform bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Mas magandang ikaw na ang tumuklas nang ganyang mga bagay Dark, hindi sa lahat nang oras ay kailangan kong sabihin sa iyo ang iyong mga kakayahan" paliwanag niya sa akin
Well may point naman si gramps sa sinabi niya, nagulat lang din talaga ako nang malaman kong nasa akin pa pala ang Demonic form kong ito
Nung laban kasi ganito ang nangyari...
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
