Kaizer's POV
Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko, muntik ko pa ngang maihagis eh, nakakainis eh
Alam mo yung feeling na kulang pa yung tulog tapos biglang may gigising sayo bigla? Diba nakakabadtrip yon?
Well hindi ko naman masisisi ang alarm clock ko dahil ako din naman nagset ng oras nang alarm niya haha
Anyway kahit tinatamad pa kong tumayo pinilit ko na lang ang katawan ko ginawa na ang morning routines ko
Pagkatapos kong magayos ay syempre nagalmusal na ako kasama sila mama at papa sa dining table, nakain ako ng fried rice at egg ng biglang magsalita si papa
"Anak nabalitaan kong mamaya daw gaganapin ang unang event ng FRO ah?" dahil sa sinabi ni papa ay naalala ko nanaman tuloy yung event mamaya, gusto ko sanang kalimutan yung event na yon
Pano ba naman kasi, siguradong may klase kami mamaya hanggang 12:30 so ibig sabihin hindi kami aabot sa event, kaasar tuloy argh!
"Oo nga po eh, sayang nga kasi hindi kami makakasali" nanghihinayang na sabi ko
"Huwag kang magalala anak siguradong makakasali ka mamaya" napatingin ako kay papa dahil sa sinabi niya, parang may ibig sabihin yung sinabing iyon ni papa eh, para bang may binabalak siyang something
Tumango na lang ako sa kanya tapos ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ko kila mama at papa
Paglabas ko ng bahay namin ay napabusangot ako dahil sa mga taong sumalubong sa akin, kumpleto yung mga kumag kong kaibigan sa labas ng bahay namin
Para pang mga ewan si Kevin at Issei dahil sumisilip silip pa sila mula sa gate, parang timang lang pwede naman silang pumasok
Imbis na kuhanin ko si Hikari (Yung kotse ko yan haha) ay dumiretso na lang ako sa kanila
"Anong kailangan niyo?" medyo may pagkairita kong tanong sa kanila
"Wala naman naisipan lang naming bisitahin ang leader namin" sagot naman sa akin ni Kevin pero something's wrong with him, kanina ko pa napapansin yung nakakalokong ngiti niya
"Anyway Kaizer pwede bang maghintay muna tayo ng saglit pa?" singit naman ni Issei
"Fine" sagot ko na lang tapos ay sumandal ako sa kotse ni Kurt at nakipagfist bump sa kanya pati na din kay Ardent "Anyway sino ba hinihintay natin?" tanong ko sa kanila
"Wait ka lang dyan" sagot sa akin ni Kevin habang tumatanaw sa malayo, para talagang timang eh
Ilang saglit pa ay may nakita akong pamilyar na mukha na naglalakad papunta sa amin, wait...wait...wait!
"That's it, I'm out" sabi ko sa kanila at akmang aalis na ko ng bigla akong hawakan sa balikat ni Kurt at Ardent
Damn! Plinano nila to!
"Sorry Kaizer" tiningnan ko na lang ng masama si Kurt dahil sa sinabi niya, yari sa akin tong apat na to mamaya pagdating sa school
"Yow Rhaine! Goodmorning" masayang bati ni Kevin kay Rhaine, yeah you read it right si Rhaine yung pamilyar na taong papunta sa amin
Napatingin si Rhaine sa direksyon namin ng marinig niya ang boses ni Kevin, nakayuko kasi siya habang naglalakad kaya naman hindi niya kami napapansin
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at ng mapatingin siya sa akin ay mas lalong nanlaki yung mga mata niya
"What's with the expression?" pangloloko ni Issei kay Rhaine
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Fiksi IlmiahIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...