Kaizer's POV
Nasa loob ako ngayon ng isang sikretong kwarto sa loob ng kastilyo ng Akuma kingdom, kasama ko ngayon ang reyna ng kaharian at mayroon itong kinukuha mula sa isang sikretong vault like na lalagyan na nasa dingding ng kwarto
Ilang saglit pa ay may nakita akong kinuha ang reyna na dalawang scroll mula sa lalagyan, pagkatapos noon ay isinarado niya na ang lalagyan at humarap sa akin
"Nakalagay sa dalawang scroll na ito ang pangalan ng lahat ng myembro ng Demorious" sabi niya sa akin kasabay ng pagabot niya ng dalawang scroll sa akin
Agad koi tong kinuha at binuksan ko ang isang scroll na inabot niya sa akin, napakaraming pangalan ang nakalista sa scroll na binuksan ko, nahahati ang mga pangalan sa magkabilang gilid ng scroll at sa itaas nito ay mayroong dalawang salitang nakasulat
Ito ay ang Astaroth at Belphegors, ibig sabihin ay ang mga pangalan na nakasulat sa ibaba ng mga salitang ito ay mga myembro ng dalawang sektor ng Demorious, kung mga myembro ng Astaroth at Belphegors ang nakalagay sa scroll ay binuksan ko ay malamang ang mga nakalagay na mga pangalan sa natitira pang scroll ay mga myembro ng Arcdemons
Gusto ko na sana agad iyong buksan kaya nga lang ay pinigilan ko muna ang sarili ko, I'll save the best for the last
Mawawala ang thrill sa paglilinis ko kung lilinisin ko agad yung malaking mga kalat, maganda ang magsimula na muna ako sa maliliit
Muli ko ng isinarado ang scroll na binuksan ko kanina at ipinasok ko ito sa inventory ko, humarap ako sa reyna ng Akuma kingdom na ngayon ay puno ng pag-aalala ng mukha
Alam kong natatakot siya para sa kanyang kaligtasan pero sa totoo lang ay hindi naman niya kailangan pang mag-alala na
"Ngayon ang lokasyon naman ng Demorious ang gusto kong malaman" sabi ko sa kanya, sandali siyang huminga ng malalim bago siya muling nagsalita
"Sandali lamang" sabi niya sa akin at tumalikod siya at tumungo sa pinakadulong bahagi ng kwarto sa may pinakagilid at mayroon siyang pinindot na kung anong bagay doon
Ilang saglit pa ay bigla na lamang nagliwanag ang dingding sa may harapan ko, unti unti itong gumuguhit ng mga linya at pagkalipas lang ng ilang saglit ay naintindihan ko na kung anong ginuguhit nito
Isa itong holographic map ng Demoria na kulay asul, mula sa mapang nasa harapan ko ngayon ay mayroon akong nakikitang ilang palatandaan, inilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko sa gilid ng holographic map ang mga legends
Nakalagay sa mapa ang lahat ng lokasyon ng mga kaharian sa buong kontinente ng Demoria, kasama na din dito ang ilang mahahalagang pasilidad na tanging ang mga myembro lang ng Demorious ang nakakaalam, nakalagay din ang iilang mga village sa mapa
Pero hindi iyon ang pinakanakakuha ng atensyon ko, sa gitna ng holographic map ng Demoria ay mayroong isang simbolo ng isang apoy na kulay itim, nang tingnan ko kung anong ibig sabihin nito sa legends ay agad na humulma ang isang napakalaking ngiti mula sa aking labi
So that's the location of Demorious huh
Agad kong tinandaan ang mismong lokasyon kung saan ko matatagpuan ang Demorious, hindi naman na ako nahirapan pang gawin iyon dahil sa isa akong broken character at ang pagsaulo sa isang maliit na impormasyon ay madali lamang para sa akin
Muli kong inilibot ang paningin ko sa mapa at mayroon akong napansing kakaibang simbolo hindi kalayuan sa Akuma kingdom, mayroong buhay na apoy ang nakalagay sa isang bahagi ng mapa, tiningnan ko kung anong ibig nitong sabihin sa legends pero wala namang ganoong simbolo kaya naman napatingin ako sa reyna
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science-FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...