Kaizer's POV
Pagkatapos ng saglit kong pagpapahinga sa ilalim ng puno ay napagdesisyunan ko ng tumayo at naglakad papalapit sa mga katawan ng mga Marauder
Halos hindi na makilala ang pagkakakilanlan nilang lahat dahil sa sinapit nila mula sa aking mga kamay, kung hindi dahil sa mga suot nilang armor ay hindi sila makilalang mga myembro ng Marauder
Anyway hinila ko na ang lubid na nagtatali sa mga katawan nila at nagsimula ng maglakad habang kinakaladkad ko sa lupa ang mga katawan nila, I know that im not respecting the dead while im doing this but since I already cast aside my guilt and conscience for now I really don't care
Saka ko na iaatone ang lahat ng mga kasalanang ginagawa ko ngayon, isa pa wala din namang karapatang ang mga nilalang na ito na bigyan ng isang magandang buhay at kahit isang maayos na libingan, well kahit naman na ganoon ay bibigyan ko pa din sila ng maayos na libingan kasama ang mga myembro ng Demorious
Starting from Astaroths to Belphegors and lastly to those fucking Archdemons, doon sa mga walang hiyang Archdemons na dapat na pumipigil sa kaguluhang ito ay siyang nagpapasimuno pa
Habang naglalakad ako sa loob ng gubat na dinaanan ko kanina ay umaaligid sa paligid ko ang maraming mga halimaw pero kahit na isa sa kanila ay walang nagtangkang sugurin ako marahil na din sa nakakatakot na aurang inilalabas ko kaya naman hindi sila naglalakas loob na lumapit
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, actually hindi iyon normal na lakad lang kaya naman madali akong nakabalik sa Akuma kingdom
Kasalukuyan ako ngayong nasa labas ng kaharian habang hinihila ko pa din ang mga katawan ng mga myembro ng Marauder, tumungo ako sa isang bahagi ng pader na pumoprotekta sa kaharian at gumawa ako ng isang maliit na hukay doon pagkatapos ay itinapon ko sa ginawa kong hukay ang katawan ng mga Marauder pagkatapos ay tinakpan ko ito ng lupa
Pansamantala ko muna silang iiwan sa lugar na iyon, naisin ko mang dalhin sila sa loob ng kaharian ay hindi ko iyon maaring gawin, makakasira sa plano ko kung gagawin ko ang bagay na iyon
Kung nagtataka kayo kung ano ang plano ko at kung bakit makakasira ang pagbitbit ng mga katawan ng Marauder sa loob ng kaharian ay ganito ang paliwanag
Plano kong gamitin ang mga katawan ng mga Marauder upang magkaroon ng isang emergency meeting ang lahat ng mga myembro ng Demorious at kapag nangyari iyon ay magiging mas madali sa akin ang pagpatay sa kanilang lahat, at kaya naman hindi ko pa maaring ipakita sa publiko na pinatay ko ang mga myembro ng Marauder ay dahil sa siguradong magiging alerto ang lahat ng mga myembro ng Demorious
Isa pa kailangan ko munang makausap ang reyna ng Akuma kingdom para utusan siyang pulungin ang lahat ng mga myembro ng Demorious, kahit pa kasi sabihin nating makita nga ng mga nobles na myembro ng Demorious ang ginawa ko at magpulong silang lahat ay sigurado pa din akong mayroong hindi mga pupunta kaya naman mas maganda na din na pakilusin ko ang isang myembro nila na Archdemon para pumunta ang lahat
Ang pagaanunsyo ng emergency ng isang myembro ng Archdemon na myembro ng Demorious at ang pagpapakita ko ng mga patay nang mga myembro ng Marauder ay siguradong magiging malakas na dahilan upang magpulong ang lahat ng mga myembro nila
Pumasok ako sa loob ng Akuma kingdom na parang isa lamang akong normal na mamamayan nito, binate pa nga ako ng mga kawal at syempre ay bumati din ako sa kanila, sa lahat ng mga kawal na nakasalamuha ko sa lugar na ito ay tanging ang mga kawal lamang na nagbabantay sa tarangkahan ang nakikita kong matino
Bukod sa kanila ay wala na, lahat ay mga corrupted na dahil sa pinaiiral nila ngayong bulok nilang sistema
Anyway katulad ng ginagawa ko nung nakaraan ay naglinis lang din ako ng ilang mga kalat na nakakakalat sa daan, by the way nung sinabi kong ilan ay umabot ang bilang nila sa halos isang daan, well kung sa tingin niyo marami na iyon pwes nagkakamali kayo, ang bilang na iyon ay katiting lamang kung ikukumpara sa lahat ng mga gumagawa ng masama sa loob ng kahariang ito
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...