Kaizer's POV
Wala na akong sinayang na oras at nagpaalam na din ako sa matanda, dumiretso ako sa mga kaibigan ko, pagkarating ko sa kanila hindi pa din natatapos magtalo ang mga kumag kong kaibigan habang ang mga babae naman ay nagkukwentuhan lang sa gilid.
Hindi nila ako napansing palapit sa kanila, ni hindi nga ata nila ako napansing umalis eh.
"Hindi pa din pala kayo tapos hanggang ngayon" sabi ko sa mga kaibigan kong kumag ng makalapit ako sa kanila, napatingin naman silang apat sa akin dahlia sa sinabi ko
"Eh eto kasi eh, sabi nang imposible ngang magkaroon ng flashlight dito ayaw pa ding maniwala" sabi ni Kurt habang nakaturo pa kay Issei
"Eh kasi nga diba malay mo iba din magisip yung game creators at nilagyan nila ng flashlight yung game" depensa naman ni Issei
"Dude nagiisip ka ba ng maayos?" iritadong tanong ni Ardent kay Issei
"Oo Dude kaya ko nga naisip na baka nilagyan ng game creators yung game ng flashlight eh" sabi naman ni Issei
Hays, kahit kailan talaga mga kumag eh no? parang isang flashlight lang ang pinaguusapan eh akala mo magpapatayan na. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis ako sa kanila eh.
"Tch! Bahala na kayo dyan aalis na muna ako" sabi ko sa kanila, at dahil busying busy sila sa pagtatalo nila hindi na nila ako pinansin, oh well pabor sa akin yon
Lumapit na lang din ako doon sa kila Rhaine para magpaalam, paglapit ko sa kanila nagulat ako dahil bigla silang tumigil sa pag-uusap tapos ay ngumiti sa akin na para bang naiilang sila, hays! Mukhang pati sila iniiwasan na din ako
"Mauuna na pala ko sa inyo, may gagawin pa ko eh" sabi ko sa kanila
"A-ah s-sige Kaizer" sabi sa akin ni Chrissia
Tiningnan ko saglit si Rhaine pero hindi siya nakatingin sa akin, mukhang talagang iniiwasan niya na ko. Napabuntung hininga na lang ako dahil sa naisip ko, hindi na din ako nagtagal sa pwesto nila Rhaine, umalis na din agad ako ang awkward kasi ng atmosphere.
Umalis na ko ng templo ng bagsak ang balikat ko, mukhang kailangan ko na siguro talagang lumayo kay Rhaine, para kasing hindi na siya komportableng kasama ako, hays! Akala ko pa naman magkakaroon na talaga ako ng kaibigang babae yun pala joke lang. Hays
Inalis ko muna sa isipan ko yung pagiwas sa akin ni Rhaine, sa ngayon kailangan kong pumunta sa Epiria Village para tapusin ang ibinigay sa aking misyon nung matanda.
Rhaine's POV
Noong gabing sinabi sa akin ni Kaizer na espesyal ako para sa kanya bigla akong nahiya ng sobra kay Kaizer, naghahalo ang nararamdaman ko kinakabahan ako na natutuwa, kinakabahan kasi kapag lumalapit siya sa akin para bang bumibilis lalo yung tibok ng puso ko, at natutuwa naman ako dahil sa ganon pala ang pagtingin sa akin ni Kaizer.
Kaya nga lang parang mali ata yung ginawa ko noong gabing yon, dahil kasi sa sobrang hiya ko sa kanya hindi ko na siya kinaya pang tingnan kaya naman iniwasan ko siya. At yun ang isa sa pinakapinagsisisihan kong ginawa ko.
Dahil doon bigla na lang akong iniwasan ni Kaizer, gusto ko sana siyang kausapin kaya nga lang nauunahan ako ng hiya ko, hays ano bang dapat kong gawin?
"Huy Rhaine magkwento ka!" nagulat ako ng biglang magsalita si Chrissia
"H-huh?" tanong ko sa kanya, doon ko lang din napansin na lahat pala sila ay nakatingin na sa akin
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
