Kaizer's POV
Walang nakatulog at nakapagpahinga ng maayos sa mga kasama ko kagabi dahil sa sunod sunod na pag-atake sa amin ng mga horde ng iba't ibang halimaw
Bakas na sa mga mukha nila ngayon ang matinding pagod, fatigue at kawalan ng tulog, nang makita ko ang sitwasyon ng mga kasama ko ay nalungkot ako
Imagine napakaraming horde ng halimaw ang lumusob sa amin simula umaga hanggang mag-umaga na malamang talagang mapapagod sila, miski ako nga eh nakaramdam ng pagod kagabi dahil sa walang tigil na laban
"Guys may sasabihin ako" panimula ko kaya naman nakuha ko ang atensyon nilang lahat "Base from what happened last night, I made a decision. I want you guys to stay here at Ningen Continent for a while" nabakas agad ang hindi nila pagsangayon sa sinabi ko kaya naman ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita "Alam kong hindi kayo sangayon sa sinabi ko, kahit ako din naman eh. Kaya nga lang ay kung kung ibabase sa mga nakaharap natin kahapon ay siguradong magiging mahirap sa inyo ang magiging paglalakbay patungo sa Demoria. Wala pa tayo sa boundary ng Demoria pero tingnan niyo kung gaano na karami at kaagresibo ang mga halimaw sa lugar na ito, paano pa kaya kung nasa Demoria na tayo, siguradong mas malakas ang mga halimaw na naghihintay sa kontinenteng iyon. Isa pa wala tayong kahit na anong impormasyon tungkol sa kontinenteng iyon, magiging delikado ang paglalakbay lalo pa't hindi natin alam kung gaano kalakas ang mga halimaw doon. Kaya naman gusto ko lang muna kayong manatili dito sa Ningen at dito magsanay. Kapag nasiguro ko ng pwede na kayong sumama sa Demoria ay agad ko kayong sasabihan at papasunurin sa akin sa kontinenteng iyon, pero sa ngayon ay dumito na lang muna kayo at ipagpatuloy ang pagpapalakas habang ako naman ay ipagpapatuloy ang paglalakbay" paliwanag ko sa kanila
Gustong magsalita ng mga kaibigan ko pero hindi na nila itinutuloy ang mga sasaibihin nila, alam ko din naman kasi kung ano ang mga sasabihin nila
Napansin kong bumuntong hininga si Drake kaya naman napatingin ako sa kanya, ganon na din yung iba pa naming mga kasama
"We get it already" sabi niya sa akin "Naiintindihan naming iniisip mo lamang ang kaligtasan namin dito sa game kaya naman gusto mo kaming manatili dito. And as the guild master of Shadows we will obey your order. Mananatili muna kami sa kontinenteng ito at magpapalakas hangga't hindi po kami tinatawag at pinapasunod sa Demoria" napangiti ako dahil sa sinabi ni Drake
"Thanks" sabi ko sa kanya kasabay noon ang pagtapik ko sa kanyang balikat
Wala ng tumutol pa sa desisyon ko kaya naman lahat sila ay mananatili muna dito sa Ningen Continent, nagbigay lang ako ng ilang instructions sa kanila kung ano ang mga dapat nilang gawin
Pagkatapos noon ay napagdesisyunan na nilang bumalik na sa KItaria at magpahinga sa guild house, kumuha sila isa isa ng mga sarili nilang teleportation ore at nagsimula ng magchannel
Nang unti unti ng naglalaho ang katawan nila meaning nagteteleport na sila ay nagwave ako sa kanila at ngumiti, ganoon din sila sa akin hanggang sa tuluyan na silang mawala lahat
Now then! Let's continue this adventure!
Nagsimula na akong maglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ay may sumalubong agad sa akin ang mga malalaking baboy pero may malalaking tusk ang magkabilang gilid ng kanilang mukha, ang kanilang katawan ay malaki at mayroon silang mahabang buntot
Nang makita ako ng mga pig creature or mga Mutated Boars ay agad silang nagcharge patungo sa akin, hinintay ko lang silang makalapit lahat at ng napakalapit na nila ay agad akong nagpakawala ng heaven's slash papunta sa kanila kaya naman nagkalasog lasog ang kanilang mga katawan
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
خيال علميIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...