Kaizer's POV
Nagpapahinga kami ngayon ni Shiryuu sa malaking puno kung saan ko siya nakita kanina, pinili muna kasi naming magpahinga at panumbalikin muna ang lakas namin bago namin muling ipagpatuloy ang paglalakbay
Napagisip isip kasi namin na baka mayroon nanamang naghihintay na bago at mas malakas na halimaw sa amin hindi kalayuan sa lugar na ito kaya naman para sigurado ay nagpahinga na muna kami
Isa pa ayoko na ding lumaban ng wala sa peak ang katawan ko, I mean hindi na ako pupwede pang matalo muli ng mga magiging kalaban ko sa hinaharap, buhay na ang nakasalalay sa larong ito kaya naman ang salitang forfeit at defeat ay kailangan ko ng tanggalin sa bokabularyo ko
Anyway tama na muna ang paliwanag tungkol sa mga bagay na iyon dahil sa ngayon ay gusto ko munang magrelax kahit na ilang minuto o oras lang
Nga pala katabi ko ngayon si Shiryuu at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang nakakapit siya sa braso ko at nakapikit, kanina pa siya nakatulog dahil sa matinding pagod
Syempre hinayaan ko na lang siya dahil iyon naman talaga ang plinano naming dalawa
Nakalimutan ko din palang sabihin na noong binuksan ko ang world map ng Thera ay nakita kong nawala ang kapirangot na bahagi ng Demoria, yun yung lugar na winasak ko kani-kanina lang nung kalaban ko yung cursed demonic hero
Medyo nakaramdam ako ng uneasy feeling ng malaman kong talagang nawala sa mapa ng Thera ang lugar na winasak ko kanina pero saglit lang iyon dahil expected ko na talaga na ganoon ang mangyayari, tsaka isa pa pinaliwanagan din ako ni Shiryuu na kung hindi ko tinalo yung demonic hero ay siguradong mas malaki pa yung mawawala kung ikukumpara sa sinira ko
Ahh nga pala yung demonic hero ay hindi ko na nahanap yung katawan, hinanap ko kasi kanina para siguraduhin kung talagang patay na siya pero wala akong nakitang bakas ng kahit na ano tapos yung Dragon of Death naman sabi ni Shiryuu ay bigla na lang din nawala nung bigla na lang may lumabas na matinding liwanag hindi kalayuan sa pwesto nila which is ako, sabi pa niya kung hindi pa daw ako nagbago ng anyo na ganoon ay siguradong tapos na siya
Nang marinig ko nga ang sinabi niyang iyon ay nagigting ang panga ko at pakiramdam ko ay kayang kaya kong sirain ang buong kontinente ng Demoria, naramdaman naman iyon ni Shiryuu kaya naman mabilis niya akong pinakalma
Anyway matutulog na lang din muna ako upang manumbalik na ang lakas ko, itataas ko na lang ang gurad ko para kahit na tulog ako ay mararamdaman ko kung may panganib na paparating
Unti unti ko ng ipinikit ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong antukin hanggang sa ilang saglit pa ay nagdilim na ang buong paligid...
Time to rest!
"Oi!" Tsk! Sino ba yan?! Natutulog yung tao eh "Psst oi!" Putek isa pa "Hooooooy!" that's it!
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang isang pamilyar na lugar, teka anong ginagawa ko dito sa templo?!
"Pinatawag kita kaya naririto ka" napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Gramps "May mahalaga kaming sasabihin sa iyo kaya ka namin pinatawag dito" saad ni gramps kasabay ng pagtayo niya sa kanyang upuan
Pumunta si gramps sa isang malaki at mahabang sofa saka siya umupo doon at sinenyasan akong sumunod sa kanya, agad din naman akong sumunod at umupo sa sofa na nakalagay sa harapan niya
Sumunod din naman sa amin yung apat pang nilalang na palaging naririto sa templo, siguro naman kilala niyo na sila kaya hindi ko na sasabihin pa kung sino sino sila
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...