Kaizer's POV
Nakipagusap pa kami sa mga kawal ng ilang sandali at marami pa kaming nalamang mga bagay bagay tungkol sa mga nangyayari sa kontinenteng ito pati na din sa mismong kontinente
Ayon sa mga kawal ang Demoria ay ang tirahan ng mga mostly demons pero meron din namang ibang race na dito naninirahan sa kontinenteng ito kaya nga lang ay bilang lamang sila dahil na din sa environment ng kontinente, sa ngayon kasalukuyang mayroong tatlong race ang naninirahan ngayon sa Demoria
Ang una ay mga demons, ikalawa ay mga vampires at ang panghuli ay mga demi-humans which is mostly mga wolf kin, bukod sa tatlong race na iyon ay wala ng makikita pang iba sa kontinenteng ito
Kaya nga daw nung nakita kami ng mga kawal ay nabigla daw sila dahil kami ang kauna-unahang human race na nakapunta sa kontinente nila, tanging sa mga libro lang daw nila kami nakikita pero ngayong nakita na nila kami sa personal ay hindi daw nila inaasahang malalakas ang mga humans
Medyo hindi ako sumangayon sa kanya doon dahil hindi naman talaga human ang race naming dalawa ni Shiryuu, si Shiryuu ay isang dragon samantalang ako naman ay Exceed... teka lang ngayon ko lang din ito naisip, hindi ko pa nga pala nakikita yung tunay kong form
I mean yung Demonic at Angelic forms ko pa lang yung nakikita ko pero yung mismong Exceed form ay hindi ko pa nakikita
Anyway saka na natin pagusapan ang tungkol sa tunay kong kaanyuan, balik tayo sa pinaguusapan natin tungkol dito sa Demoria
May mga ikinuwento pa sa amin ang mga kawal na mga top secrets ng kontinenteng ito, o kumbaga mga impormasyon na umiikot lang sa underground sector
Marami rami din iyon pero merong isang impormasyon na talagang nagpaigting ng bagang ko, talagang on the spot uminit yung ulo ko ng marinig ko yung impormasyon na iyon
Kinabahan nga yung mga kawal na nasa paligid ng bigla na lang may lumabas na kakaibang pressure sa paligid pero hindi ko sila pinansin, medyo kumalma lang ako ng hawakan ni Shiryuu yung balikat ko kasabay ng pagngiti niya
Anyway pagkatapos ng ilang minuto pang kwentuhan at pagbibigay ng mga impormasyon sa amin ng mga kawal ay nagpaalam na kami pero hindi muna kami pumasok ni Shiryuu sa kaharian, hinila ko muna siya papalabas dahil may sasabihin muna ako sa kanya
"Alam ko kung ano yung gagawin ko Shiryuu hindi ba?" seryosong tanong ko sa kanya
"Yeah and don't worry Im not going to stop you" saad niya na dahilan upang tumango tango ako
"Anyway im planning on fixing this continent, you'll help me right?" tanong ko sa kanya pero hindi kanina ay hindi na ako seryoso ngayon
"Yeah, since this is partially my master's fault im going to help fix this continent" sabi niya sa akin na ikinabagsak ng mga balikat ko, hindi na niya kailangan pang ipamukha sa akin na may kasalanan din ako kung bakit nagkakaganito ang kontinenteng ito
Well it's not like I regret killing Azrael, kapag pinabayaan ko pa yung lalaking iyon siguradong mas malala pa yung mangyayari dito sa Thera at sigurado akong ang balanse ng mundong ito ay mawawala kapag hinayaan ko pa siyang mabuhay
Anyway tama na ang pagiisip tungkol sa nilalang na iyon dahil nagiinit lang ang ulo ko, sa ngayon ang kailangan kong asikasuhin ay ang pagsasaayos ng kontinenteng ito
Kung kakailanganin ay handa akong linisin lahat ng mga kalat sa kontinenteng ito, in short handa kong patayin lahat ng mga dumudungis sa kontinenteng ito o yung mga demons na mga sugapa, wala akong pake kung mga nobles pa sila o mga myembro sila ng mga royal family
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
