Chapter 72 - The Final Battle for Demoria

1.3K 69 10
                                    


Kaizer's POV

Sumugod sa akin ang dalawang Archdemons na mayroong hawak na mga kakaibang espada, parehas silang may hawak ng isang mahabang espada na mayroong isang kulay itim na bungo sa hawakan nito, ang mata ng bungo ay mayroong kulay asul na kulay at parang nagliliyab

Naunang sumugod sa akin ang nasa kaliwa, agad niyang inihampas ang espada niya sa akin pero nagawa ko itong maharangan ng espada ko, pagtama ng aking espada sa espada niya ay nakakaramdam ako na para bang nahihigop ang lakas ko sa katawan

Nang mataptingin ako sa espada niya ay napansin kong mas lalong lumiwanag ang kulay asul na ilaw sa mga mata nito, napansin ko ding mas lumaki ang sukat nito kung ikukumpara sa laki nito kanina

Mukhang may abilidad ang bungong espada na to na humigop ng lakas ng kanyang kalaban kapag nagtatama ang kanilang mga sandata, Well it's amazing but it's still not enough to defeat me

Mas nilakasan ko pa ang pwersa sa aking espada kasabay ng pagpapakawala ko ng isang hellfire wave na siyang naging dahilan ng pagtalsik niya pero hindi naman siya gaano nakatanggap ng galos dahil mayroong barrier na prumotekta sa kanya

Habang nakatuon ang atensyon ko sa kalaban kong Archdemon kanina ay nakaramdam ako ng isang mabilis na paghiwa sa aking likuran, agad akong tumalon paitaas upang maiwasan ito at nang mapatingin ako sa ibaba sa may bandang likuran ko ay nakita ko ang isa pang Archdemon

Katulad ng nauna kong nakaharap ay mayroon din itong hawak na espadang may bungo sa hawakan, ang kaibahan nga lang ay kulay puti ang kulay sa mga nito

Nang mapansin niyang nailagan ko ang pagatake niya ay agad siyang kumilos patungo sa akin, nagkaharap kaming dalawa sa ere at nagtama ang aming mga espada

Katulad kanina ay mayroon ding ibubuga ang isang to kaya nga lang ang problema ay hindi pa din iyon sapat

Malakas ko siyang itinulak at nang magtagumpay ako ay mabilis akong nagdash sa likuran niya at saka ko hinampas doon ang parte ng aking espada na walang talim, dahil doon ay bumulusok siya pababa

Umalingawngaw ang isang malakas na tunog dahil sa pagtama ng kanyang katawan sa lupa, nabutas ang lahat ng mga nasa ilalim na palapag dahil sa ginawa kong iyon kaya naman nakabaon ang katawan niya sa mismong pundasyon ng gusali

Dahan dahan akong lumapag sa lupa pagkatapos ay hinarap ko ang mga natitira pang Archdemons, marami rami pa ang bilang nila na sa tingin ko ay aabot pa sa dalawampu, lahat sila ay seryoso lang na nakatingin sa akin

Mula sa aking tagiliran ay nakaramdam ako ng isang malakas na shock wave na mabilis na patungo sa akin, inangat ko ang isang kamay pagkatapos ay sinalo ko ang malakas na shock wave na patungo sa akin

Imbis na sumabog ay naglaho itong parang bula sa hangin nang tumama ang shock wave na kulay asul sa aking kamay, dahan dahan akong lumingon sa pwesto kung saan nanggaling ang shock wave

Mula roon ay nakita ko ang Archdemon na nauna kong nakalaban, mayroon siyang determinadong ekspresyon habang diretsong nakatingin sa akin

Nagblink ako patungo sa harapan niya at mabilis kong hiniwa ang kalahati ng kanyang katawan sa gitna, hindi niya na nagawa pang makapagreact dahil sa sobrang bilis ng paggalaw ko, kahit ang mga nanonood na Archdemons hindi kalayuan sa amin ay siguradong hindi din iyon nakita maliban na lamang sa isang Archdemon na nakaupo pa din hanggang ngayon at nainom ng kanyang wine

Unti unti akong humarap sa mga natitira pang Archdemons pagkatapos ay ibinuka ko ang aking apat na malalaking itim na itim na pakpak, naglalabas ang aking mga pakpak ng kakaibang pressure na para bang humihigop sa lakas ng lahat ng makakakita nito

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon