Chapter 67 - It's Cleaning Operation...ANNIHILATION

1.4K 71 6
                                    


Kaizer's POV

Nagkakagulo ngayon dito sa Akuma kingdom, nakakaranas ng matinding crisis ngayon ang buong kontinente dahil sa walang kwentang pagaaway away ng mga nobles para lang sa titulong Demon Lord

Lintik na! dahil sa mga kagaguhan nilang lahat naghihirap ang mga lahat ng mga mamamayan ng kontinente at dahil doon kaliwa't kanan ang nangyayaring kaguluhan sa buong paligid

Patayan, Nakawan, Panggagahasa, Pang-aapi, Gutom

Ilan lamang ang mga iyan sa mga kaguluhang nasasaksihan ng dalawang mata ko ngayon habang nakatayo ako sa bubungan ng isang bahay at tahimik na inoobserbahan ang paligid

Kani-kanina lang dito mismo sa lugar kung saan ako naroroon ay nagkaroon ng laban sa pagitan ng mga taong taga Earth at mga demon kin na nakatira dito sa Demoria

Maraming mga namatay dahil sa kaguluhang iyon at sa totoo lang ay hanggang ngayon may nagaganap pa ding labanan sa ibaba ng pwesto ko, tahimik lamang akong nanonood dahil ayaw kong gumalaw

Don't get me wrong, hindi ako gumagalaw ngayon dahil siguradong kapag sumali ako sa laban nila ay siguradong mawawasak ang buong kahariang ito at as much as possible ayaw kong mangyari iyon dahil sa kabila ng mga kabi-kabilaang masamang nangyayari ngayon ay naniniwala pa din akong may mga inosenteng demon sa lugar na ito

At hangga't pinanghahawakan ko ang paniniwalang iyon ay handa akong pigilan ang sarili ko

"Aaah!" narinig kong sigaw ng isang lalaking mula sa Earth kasabay ng pagtalon niya sa itaas ng isang demon kin na nakatira dito

Kasabay noon ay ang pagpapakawala niya ng isang shock wave patungo sa demon kin na agad naman nitong ikinamatay, napangiti ng kakaiba yung lalaki, ang ngiting iyon ay ngiti ng isang taong nagpupunyagi dahil sa pagkapanalo sa isang laban, ang ngiting iyon ay ngiti ng mga taong minamaliit ang kanilang mga kalaban at simbolo ng paghahanap pa nila ng laban

Mukhang hindi lang ang mga taga Demoria ang may mga kakaibang ugali, well hindi naman na ako naninibago doon dahil talagang likas na sa mga taong taga Earth ang pagiging masama, again don't get me wrong

Hindi ko sinasabing ang lahat ng mga taga Earth ay masama, what I'm saying is that every person in Earth has their bad personal traits, but it's ok since we people's are not created to be perfect after all, Nobody's perfect after all

Anyway dahil sa kayabangan nung lalaking taga Earth na pumatay sa demon kin kanina ay hindi niya napansin ang isa pang demon kin na papalapit sa kanya, huli na ng mapansin niyang nasa likuran niya na ang isa pang demon kin at huli na din ng maiwasan niya ang kutsilyong dala dala nito na naging dahilan ng panghihina ng tuhod niya

OF course hindi pa siya namatay dahil lang sa pagatakeng iyon at nagawa niya pang mahiwa ang ulo nung demon kin kaya nga lang ay pinagpyestahan na siya ng iba pang mga demon kin, wala ng nagawa yung lalaking player at tuluyan na siyang humandusay sa lupa

0% Health points meaning patay na siya, napailing na lang ako dahil sa nasasaksihan ko ngayon, marami pang mga taga Earth ang nakikipaglaban ngayon dito sa Akuma Kingdom

Siguro ikasampung batch na ng mga player na taga Earth ang naririto, ang lahat ng mga nauna kanina ay kung hindi napatay ay lumaban na lang habang ang iba naman ay tumakbo na lang papalayo at saka tumakas

Patuloy Lang ang nangyayaring paglalaban ng mga demon kin na nakatira dito sa Demoria at mga player na taga Earth hanggang sa bigla na lamang nagkaroon ng malakas na pagsabog hindi kalayuan sa pwesto ko, agad na nakuha ng atensyon ko ang naging pagsabog na iyon dahil nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan na nagmumula sa pwestong iyon

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon