Chapter 17 - Uncontrolled Power

1.9K 83 2
                                    


Kaizer's POV

Kasalukuyan kaming magkaharap ni Jamon ngayon, ramdam na ramdam sa paligid ang matinding pressure na nilalabas naming dalawa.

Nauna ng sumugod sa akin si Jamon, napakabilis ng pagkilos niya ngayon kumpara sa mga galaw niya kanina, siguro ay dahil sa pagbabagong ginawa ni Jamon kanina

Sunod sunod ang ginawang pagtira sa akin ni Jamon ng mga black sphere niya, kahit naiilagan ko ang ibang black sphere kaya nga lang may mga tumatama pa din dahil sa sobrang bilis ng pag-atake ni Jamon

Nang makahanap ako ng tyempo agad akong nag dash sa kanya pagkatapos ay hiniwa ko siya ng espada ko kaya nga lang isang after image lang ang nasa harapan ko, agad akong nag sidestep sa gilid dahil naramdaman kong nasa likod ko siya

Nagpalitan kami ng atake ni Jamon, lamang ako sa close combat dahil espada ang gamit ko habang si Jamon naman ay black sphere na parang pang mage

Habang nagpapalitan kami ng atake naghahanap ako ng opening kaya nga lang wala akong makita, aish nakakaasar!

"Psycho boost" nag cast si Jamon ng skill pagkatapos ay bigla na lang siyang nawala sa harapan ko

Tumigil ako at pinakiramdam ko ang paligid ko. Nasense kong may pag-atake mula sa aking likuran kaya naman hiniwa koi to ng espada ko at nahati sa dalawa ang black sphere ni Jamon, may mga sumunod pang mga black sphere na patungo sa akin kaya naman pinaghahati ko ito lahat

Mula sa hindi kalayuan nakita ko si Jamon na patuloy lang sa pag-atake kaya naman tumakbo ako ng napakabilis papunta sa kanya habang pinaghahati ko ang mga black sphere niya, mukhang napansin naman niyang patungo na ako sa kanya kaya naman gumalaw na din ito at sumugod din sa akin

"Clones" sabi ko pagkatapos ay sinenyasan ko silang pumunta sa iba't ibang direksyon

Nang magkalapit na kaming dalawa ni Jamon napangiti ako dahil gumana ang plano ko, mukhang nagulat si Jamon sa ginawa kong pagngiti pero agad din naman itong nabawi

"Reload on Fire!" malakas kong sigaw

Sabay sabay kaming sumugod ng mga clones ko sa magkakaibang direksyon, gulat na gulat si Jamon sa mga nangyari dahil bigla na lang akong nawala sa harapan niya

Sinimulan na namin ng mga clones ko ang pag-atake kay Jamon, sa tuwing hinihiwa namin si Jamon sumisirit ang dugo niya sa kanyang katawan, umaalingawngaw sa paligid ang matinding sigaw ni Jamon dahil sa sakit na nararamdaman

10% ang nabawas namin sa Hp ni Jamon kaya naman 40% na lang ang natitira sa kanya

Halata na kay Jamon ang hirap at sakit na nadarama, pero ang hindi ko maintindihan ay tuwang tuwa akong makitang nahihirapan si Jamon, kahit na malaki ang galit ko sa kanya hindi naman ako ganito pero ngayon napakakakaiba ng nararamdaman ko

"Psycho Boost" kahit na hirap na hirap na nagawa pa ding magskill ni Jamon, lumayo si Jamon mula sa amin kaya naman hinabol namin siya

Dahil sa naka demon transformation ako ngayon at naka activate ang skill kong reload on fire naging madali para sa akin ang paghabol kay Jamon

Nang makalapit ako sa kanya inihanda ko ang espada ko, hindi na nagawa pang makailag ni Jamon dahil sa biglaan kong pag dash sa harapan niya kaya naman naitarak ko sa puso niya ang espada ko

Nakita kong nabawasan ng 15% ang buhay ni Jamon kaya naman napangiti ako

Konti na lang siguradong maipaghihiganti ko na din ang Epiria Village

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon