Drake's POV
Iniwan ko muna si Kaizer at yung kamukha niya sa loob ng Ivern's dungeon, saka ko na itatanong kay Kaizer ang buong storya nilang dalawa nung leader ng black skull guild
Sa ngayon ang kailangan kong intindihin ay ang mga myembro ng black skull na nagrespawn na, may posibilidad na mayroon pa ding mga myembro ng black skull ang gusto kaming labanan ni Kaizer kahit pa alam nila ang agwat namin sa kapangyarihan at lakas
Isa pa sigurado akong ang labinlimang heneral ng black skull ay lalaban pa din at may posibilidad na ang galit at inis na nararamdaman nila sa amin ni Kaizer ay ibaling nila sa mga inosenteng player sa loob ng Kiriko Village
Kasalukuyan ako ngayong papunta sa plaza ng Kiriko Village ngayon, habang nasa daan ako ay may mga nakakasalubong akong nagtatakbuhang mga player at lahat sila ay mayroon lamang iisang ekspresyon sa kanilang mga mukha, lahat sila ay takot
Agad akong nagmalida papunta sa plaza ng Kiriko, pagdating ko doon ay naabutan ko ang ilang myembro ng black skull pati na din ang labinlimang heneral nito, nang makita nila ako ay agad silang nagsipagngitian lahat
Shit! Sinasabi ko na nga ba!
Agad na sumugod sa akin ang iilang myembro ng black skull na hindi pa din sumusuko, nung sinabi kong iilan ang ibig kong sabihin noon ay daan, ang inisyal na bilang kasi ng mga myembro ng black skull ay aabot sa libo kaya naman nasabi kong iilan na lang sila dahil daan na lang ang bilang nila ngayon
Madali ko lamang naiiwasan ang mga pag-atakeng ibinibigay nila sa akin tapos ay nagcocounter ako sa kanila at pinaghihiwa ko ang mga katawan nila
Lumipas ang isang oras at natapos na ang pakikipaglaban ko sa mga myembro ng black skull at ang natitira na lamang ay ang labinlimang heneral nila
Tiningnan ko sila isa isa at napansin kong halos lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin, nang dumako ang mga mata ko kila Shiba, Ring, at Red ay bigla na lamang silang nagsipagtakbuhan na animo'y mga batang nakakita ng multo
"Fucking cowards!" sgiaw nang isa sa mga swordsman na heneral ng black skull, nagsipagtanguan ang iba pa niyang mga kasama at bigla na lang umasinta ang mga archers patungo sa kiaroroonan nung tatlong tumakbo kanina
Tumira nang malalaki at nagliliwanag na mga palaso ang mga archers, nakita ko na lamang na isa isang tumumba sila Shiba, Ring, at Red sa malayo kasunod nito ang isang malaki at malakas na pagsabog
"There's no room for cowards in black skull" saad nung isa pang swordsman tapos ay humarap na silang labindalawa sa akin, lahat sila ay mayroong mga smirk sa kanilang mga mukha
"So talaga palang tumagilid ka na Basic huh" sabi sa akin nung isang knight, hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay inihanda ko ang espada ko, uminom na din ako ng potions upang mawala ang ilang galos ko kanina at para na din mabawi ang lakas ko
"Choosing to be silent rather than talking huh" sabi naman nung isang archer tapos ay tumira ito sa akin nang tatlong palaso nang sabay sabay, madali ko lamang natabig ang tatlong palaso niyang papunta sa akin
Napansin ko ang tatlong swordsman na sabay sabay sumugod sa akin pagkatabig ko sa mga palaso kaya naman mabilis kong iniharang sa harapan ko ang dalawang espada ko para sanggain ang pagatake nung isang swordsman, sinundan naman ito ng isa pang swordsman at hiniwa ako sa tagiliran ko mabuti na lamang at nakaurong ako ng kaunti at nasipa ko siya pagkatapos noon ay itinulak ko yung swordsman na nasa harapan ko at nagdash ako papalapit sa kanya at hiniwa ko ang harapan niya nang pa 'x', agad din akong nagback step matapos kong mapansin ang isang nagliliwanag na bola patungo sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/136520210-288-k679590.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...