Gramp's POV
Matapos malaman ni Kaizer ang buong katotohanan patungkol sa kanyang mga kaibigan ay tuluyan nang nag break down si Kaizer
Tumakbo siya palabas nang kwarto at hindi ko na alam kung saan siya nagtungo pero sa ngayon hahayaan ko lamang muna siyang mapag-isa
Kinakailangan niya nang kakaunting panahon para sa kanyang sarili at para ilabas ang lahat nang sakit na kanyang nararamdaman pero alam ko din na hindi lang kakaunting panahon ang kinakailangan upang maghilom ang sugat sa kanyang puso ngayon
Kaya naman kinakailangan ko na ng tulong sa isa sa kanyang mga kapangyarihan, agad kong tinawag ang Holy Spirit na siyang kumakatawan sa Angellic Power ni Kaizer
"Ikaw na ang bahala kay Kaizer" sambit ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan at naramdaman ko namang tumango siya at mabilis na nilisan ang kwarto
Ibinalik ko ang tingin sa lamesa at doon ay bumungad sa akin ang isa pang natitirang Kristal, mabilis ko iyong kinuha at itinago
Hindi pa siya handang makita ang nilalaman nang videong ito kaya naman nararapat lamang na itago ko muna
Napakalaki nang problemang kinakaharap namin ngayon sapagkat ang natitirang nilalang na lalaban kay DIvaevus ay kasalukuyang nasa break down state at ang Ignis City naman sa Earth ay wasak habang ang mga earthlings naman ay nagkakagulo na ngayon dahil mayroon daw iilan na nakakita sa paglalaban ni Kaizer at nang Dragon of Death
Ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat nang iyon dahil dumating na ang panahon na kinatatakutan naming lahat
Nagsisimula nang gumalaw si Divaevus
Naihampas ko na lamang sa lamesa ang aking kamao dahil sa mga iniisip ko
Talaga bang babagsak na lamang kami nang tuluyan nang hindi man lang nagagawang makalaban?
Iyan ang nagiisang tanong na namamalagi sa isipan ko ngayon, isang tanong na naghahatid nang iba't ibang matinding mga problema
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata kasabay nang pagbuntong hininga ko nang malalim, hindi ito ang oras upang mawalan ako nang lakas ng loob
Kami lamang ang inaasahan ngayon ni Kaizer kaya naman kung ipapakita ko pa sa kanya na pinanghihinaan na din ako nang loob ay siguradong mawawalan na talaga kami nang tsansang manalo sa darating na laban
Kinakailangan naming magpakatatag hindi lamang para sa aming mga sarili kung hindi para na din sa dalawang mundong umaasa sa amin kasama na ang mga nilalang na namamalagi sa dalawang mundong ito
Muli ay napabuntong hininga na lamang ako dahil sa dami nang problemang aming kinakaharap
Kaizer's POV
Matapos kong lisanin ang templo ay mabilis akong nagtungo sa Thera, at tumungo sa Epiria Village
Kinakailangan ko nang katahimikan ngayon at ang lugar na iyon lamang ang naiisip kong pwede kong mapuntahan
Hindi din naman nagtagal at mabilis din akong nakarating sa lugar na iyon
Paglabas ko sa kweba na nagsisilbing lagusan upang makarating sa Epiria ay agad akong sinalubong nang napakagandang talon, mas gumanda pa ito kumpara sa dati kaya naman bahagya akong napangiti
Mabilis akong naghanap nang magandang pwesto upang makapagisa at hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong isang malaking tumpok nang bato sa harap nang talon na napapalibutan nang tubig na nagmumula sa talon
Agad kong inilabas ang aking mga pakpak at nagtungo sa lugar na iyon, pagkalipas nang ilang saglit ay nakaupo na ako ngayon sa bato habang diretsong nakatingin sa napakagandang talon na nasa aking harapan
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...