Kaizer's POV
Paglapag ni Shiryuu sa lupang sakop ng Demoria Continent ay agad akong bumaba sa kanya at ininspeksyon ang paligid
Nararamdaman ko sa paligid ang presensya ng hindi mabilang na iba't ibang uri ng mga halimaw, sa tingin ko din ay lahat sila ay nasa ibang level na kung ikukumpara sa lahat ng mga halimaw na nakalaban ko noon sa Ningen Continent
"Master kakaiba ang lugar na ito" sabi sa akin ni Shiryuu na sinangayunan ko naman, napansin din pala yon ni Shiryuu
May kakaiba kasi akong nararamdaman sa paligid simula pa lang nung lumapag ang dalawang paa ko sa lupa ng Demoria
May eerie feeling kasi akong nararamdaman sa paligid, may something sa paligid na hindi ko maipaliwanag, Aish! basta hindi ko din maintindihan kung ano yon eh
"Yeah, alerto Shiryuu" sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad pero ng maalala kong nakadragon form pa si Shiryuu ay tumigil ako at tumingin sa kanya, magsasalita n asana ako ng unahan niya akong magsalita
"Understood Master" sabi niya sa akin through teletephically at bigla na lang nagliwanag ang buo niyang katawan
Naitakip ko sa mga mata ko ang kanang braso ko dahil sa sobrang liwanag na nagmumula kay Shiryuu, ilang saglit pa ay nawala na ang liwanag at bumungad sa akin ang human form ni Shiryuu
Ngumiti siya sa akin tapos ay tumakbo siya patungo sa pwesto ko at niyakap ako ng napakahigpit, halos ma suffocate na nga ako dahil sa sobrang higpit ng yakap niya
"S-Shiyuu" nahihirapan kong sabi, nang mapansin niyang nahihirapan na talaga akong makahinga ay humiwalay na siya sa akin at ngumiti at nag "tee-hee"
Dahil doon ay napabuntong hininga na lamang ako at napangiti saka ko pinat ang ulo niya, mukhang natuwa naman siya sa ginawa ko dahil napapikit siya at ngumiti
"Tara na Shiryuu" yakag ko sa kanya at nagsimula ng maglakad, sumunod naman na siya sa akin at tumabi sa gilid ko
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Shiryuu dahil sa napakalapit niya sa akin, nakayakap kasi siya sa kaliwang braso ko at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko
Masyado siyang clingy sa akin
Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa daan, nakakapagtaka dahil kanina pa kami naglalakad pero walang sumasalubong o umaatake man lang na halimaw sa amin
Marami akong life essence na nararamdaman sa paligid kaya naman alam kong maraming halimaw na umaaligid sa amin
Alam kong kasama ko ngayon ang Divine Bahamut na si Shiryuu kaya naman hindi na nakapagtataka kung iiwasan kami ng mga halimaw, pero ngayon ay nakahuman form si Shiryuu at nakatago ang aura ng Divine Bahamut sa katawan niya kaya naman para lang siyang normal na tao ngayon
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon, something's odd
Pansamantala kong isinantabi ang thought na iyon at ifinocus na lang ang atensyon ko sa daanan, iaalerto ko na lang ang sarili ko kung sakaling bigla kaming lusubin ng mga halimaw sa paligid
Lumipas ang ilang oras naming paglalakad ni Shiryuu pero wala talagang sumasalubong sa aming mga halimaw at dahil doon ay kinutuban na talaga ako
Ipinagpatuloy lang namin ni Shiryuu ang paglalakad hanggang sa makaramdam ako ng intimidating aura hindi kalayuan sa pwesto namin sa bandang harapan, magkakahalo ang mga aurang nararamdaman ko kaya naman sigurado akong hindi lang galing sa iisang ninilang ang mga aurang iyon
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...