Chapter 25 - The Orc Kingdom

1.9K 72 1
                                    



Kaizer's POV

Dahil sa medyo nagenjoy ako sa pagrerelax hindi ko napansing nakatulog pala ako, agad akong bumaba sa itaas nang puno tapos ay naghilamos ako nang mukha gamit ang tubig sa pond, nakakahiya nga eh haha napakalinis kasi nang tubig

Anyway pagkatapos kong maghilamos ay nagunat unat muna ako saglit tapos ay nagsimula na ulit akong maglakad

Napansin kong may nagmessage sa akin kaya naman binuksan ko yung VS ko, pagbukas ko nang message section nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko, oh shit! Bumabaha nang message ni Izumi, lagot ako nito, oh well magsosorry na lang ako bukas tsaka wala din naman kaming usapan na magpaparty kami ngayon eh so no worries haha

Nireplyan ko lang siya sa mga message niya tapos ay isinara ko na ang VS ko, pagsara ko nang VS ko saktong may naaninag ako sa hindi kalayuan na anino, oops mukhang may something doon ah mapuntahan nga haha

Naglakad ako papunta sa lugar kung saan ako may naaninag na anino kani-kanina lang, nakaalerto ang buong senses ko sa paligid, kahit na mukhang harmless ako ang totoo ay nakahanda na ang espada ko sa likod kung may susulpot nanaman ulit na mga kalaban

Pagdating ko sa lugar inilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakitang kahit na ano o sino sa paligid, mukhang wala namang tao dito eh makaalis na nga lang

Hahakbang na sana ako paalis nang may mapansin akong may bahid nang dugo ang damo sa gilid ko, yumukod ako nang kaunti para makita kong mabuti kung talaga nga bang dugo ang nakikita ko, nang makasiguro akong dugo nga ito ay hinahanap ko ang direksyon kung saan posibleng tumungo ang may-ari nang dugo

Mukhang hindi naman ako nabigo dahil mayroong mga bakas nang dugo sa mga damo at mukhang itinuturo nito ang lugar kung saan pumunta kung sino man ang may ari nang dugong ito

Wala na kong sinayang pang oras at mabilis kong sinndan ang mga mga dugo sa damo, ilang saglit pa dinala ako nito sa isang puno

"Aaah" naalerto ako nang makarinig ako nang daing sa gilid nang puno pero mabilis din akong huminahon dahil parang boses ito nang isang babae

Agad akong naglakad papunta sa gilid nang puno kung saan ko narinig ang daing, mukhang tama nga ang hinala ko, napatigil lang ako sa pagiisip nang mapansin kong duguan ang tagiliran nang babae

Agad akong lumapit sa kanya tapos ay isinandal ko siya sa puno, kumuha din ako nang potion sa inventory ko tapos ay ipinainom ko ito sa kanya, naghintay ako nang ilang sandali para tingnan kung anong epekto pero walang nangyayari sa kanya, hindi gumagaling ang sugat niya sa tagiliran at base sa mukha niya ay mas lumalala ang kondisyon niya

Shit! Hindi tumalab yung potion sa kanya, what the hell?!

Nagsisimula na kong magpanic dahil hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, sinubukan ko ulit siyang painumin nang potion pero wala talagang epekto, oh crap!

"Dark, kumalma ka muna" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni gramps sa gilid ko, agad akong tumingin sa gilid ko para masiguro kong hindi lang ilusyon yung narinig ko, teka baka si gramps may alam kung paano magamot yung sagot nang babaeng to

"Gramps alam mo ba kung paano gamutin ang sugat nang babaeng to? Sinubukan ko ang painumin siya nang potions pero walang epekto sa kanya!" kinakabahang sabi ko kay gramps, tsk nakakainis! Hindi ko pa maintindihan yung sarili ko! Game lang naman to eh pero grabe yung kaba ko

"Heto Dark ipalunok mo sa kanya" sabi ni gramps tapos ay may iniabot siya sa aking isang kulay green na parang beans "Nga pala Dark tungkol sa iniisip mo kung bakit ka kinakabahan nang ganyan, tandaan mong may word na REALITY ang larong ito, marami ka pang dapat na matuklasan sa loob nang mundong ito" sabi niya pa tapos ay nagsimula na siyang maglakad papalayo

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon