Chapter 44 - Ignis City

1.7K 76 13
                                        


Kaizer's POV

Nang makapaglogout ako sa game ay madaling araw na, damang dama ko din ang matinding pagod at sakit ng katawan ko

Hindi na ako nagtataka kung nakakaramdam ako ng sakit ng katawan, ngayon pa't alam ko na ang buong katotohanan sa likod ng larong fantasy real online

Kahit na nalaman ko na ang katotohanan sa likod ng laro ay mayroon pa ding mga natitirang katanungan sa isipan ko ang hindi nasasagot, pero sa ngayon hindi ko na muna iisiping mabuti ang tungkol sa mga bagay na iyon

May tamang panahon para sa lahat ng bagay at alam kong darating din ang panahon na lahat ng mga katanungan sa isip ko ay mabibigyan ng kasagutan

Sa ngayon ay kailangan kong ituon ang buong atensyon ko sa bago kong goal at iyon ay ang pagprotekta sa dalawang mundo

Kinabukasan pagpasok ko ulit sa mundo ng Thera ay bubuuin ko na ang dalawang guild na magpoprotekta sa dalawang mundo

Pero sa ngayon kailangan ko na munang matulog at magpahinga, sigurado akong magiging mahaba ang oras kinabukasan

....

...

...

Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang kisame ng kwarto ko

Inangat ko ang mga braso ko at napansin kong napakarami ng sugat ko sa katawan pero nabigla ako ng mapansin kong unti unti itong nawawala at gumagaling

What is this self recovery?

hanggang ngayon pakiramdam ko ay parang panaginip lamang ang lahat ng naganap at nalaman ko kahapon

Pero kailangan kong harapin ang realidad, hindi lamang isang panaginip ang natuklasan kong katotohanan kahapon at ngayong araw na ito ay isang bagong simula para sa akin

Tumayo na ako sa higaan ko at dumiretso sa banyo, naligo lang ako and then nagbihis tapos ay bumaba na din ako

Pagbaba ko ay naabutan ko sila mama at papa na nakaupo sa living room, napakaseryoso nilang dalawa at pareho silang nakatingin sa tv

Tahimik akong lumapit sa kanilang dalawa, medyo nagulat pa ako dahil hindi nila ako napansin at diretso lamang ang tingin nila sa tv

Nang dumako ang mga mata ko sa pinapanood nila ay nabigla ako, muli nanamang ibinabalita sa tv ang pagkakaroon ng isang maliit na hiwa sa langit

Alam ko kung ano ang ibig sabihin noon kaya naman naikuyom ko ang mga palad ko, kaunting panahon na nga lang talaga ang natitira bago dumating ang itinakdang oras na isinasaad sa propesiya

Kailangan ko ng magmadaling magpalakas upang kapag nagharap na kami ni Divaevus ay mapigilan ko siya sa kanyang binabalak

Pero sa ngayon kailangan ko na munang makausap ang mga magulang ko, panahon na para sabihin nila sa akin ang lahat ng mga nalalaman nila

"Goodmorning Ma, Pa" bati ko sa kanilang dalawa dahilan upang medyo mabigla sila, napatingin sila sa akin ng sabay pero nginitian ko lang sila at umupo sa sofa sa harapan nila "Sa tingin ko po panahon na para ikwento niyo sa akin ang lahat ng nalalaman niyo tungkol sa mundo ng Thera at sa ating tunay na pinagmulan" mas lalo silang nabigla nang marinig nila mula sa akin ang salitang "Thera" at "Tunay na pinagmulan"

Nagkatinginan silang dalawa na para bang nagtatanong sa isa't isa gamit lamang ang kanilang mga mata, nakita kong sabay pa silang bumuntong hininga saka nila muling ibinalik ang tingin sa akin

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon