Kaizer's POV
Kasalukuyan ako ngayong nasa loob ng opisina ni mama habang nakatayo sa harapan ng malaking glass window at nakatanaw sa malayo, makikita ang malaking ngiti sa aking mga labi
Dala ng matinding kasiyahan dahil sa lahat ng mga sinabi sa akin ni mama kanina ay hindi ko na magawa pang alisin sa aking mga labi ang aking malaking ngiti
Sinabi na kasi sa akin ni mama na maari ko ng gamitin yung dimensional immersor para makapunta na mismo ako sa Thera, kanina nga ay ayaw pang rumehistro sa utak ko ng mga impormasyong nalaman ko dahil sa napakabiglaan nito kaya naman nagmukha tuloy akong ewan kanina sa harapan ni mama
Ilang minute din akong nakatanga sa kawalan kanina bago ako bumalik sa sarili ko, dahil pa yon sa pagwagayway ng kamay ni papa sa harapan ko
Anyways kanina din ay may sinabi pa sa akin si mama na isang importanteng bagay
*Flashback*
"Anyway Kaizer mayroon pa akong isang mahalagang bagay na sasabihin sa iyo bukod pa sa literal mo ng pagpunta sa Thera" seryosong saad ni mama na
"I'm listening" seryosong sambit ko
Ikinumpas ni mama ang kanyang mga daliri pagkatapos ay mayroong lumabas na hologram sa itaas sa tapat naming dalawa, mayroong nakalagay na video sa hologram na agad din namang plinay ni mama
Makikita sa videong nakalagay sa hologram ang malawak na karagatan, at base sa pwesto ng kumukuha ng video ay masasabi kong nakasakay sila sa isang helicopter
Nakatutok ang camera sa dagat at ilang saglit pa ay mayroon akong napansing kakaibang liwanag na nagmumula sa ilalim ng tubig, tumigil sa paggalaw ang kumukuha ng video at ifinocus ito sa liwanag na namataan sa ilalim ng tubig
Unti unting izinoom ng kumukuha ng video ang camera sa liwanag kaya naman mas malinaw ko na itong nakita, mula sa ilalim ng tubig ay makikita ang isang sphere like object at nagliliwanag ito, malapit ito sa seafloor kaya naman hindi masyado kita sa surface ng dagat yung liwanag pero kung titingnan mong mabuti ay napakatindi ng liwanag nito
Ilang saglit pa ay napansin kong may kakaibang nangyayari, ang liwanag na nakikita sa ilalim ng tubig ay bahagyang nagbabago ng kulay, mula sa kulay nitong puti ay unti unti itong napapalitan at nagiging itim ito
Ilang segundo pa ang lumipas ay napansin ko ang paglabas ng isang mahabang kuko mula sa liwanag, unti unti ay lumalabas ito at mas nakikita ko na kung ano ito
"Holy fuck!" singhal ko ng makita ko ang braso ng isang halimaw na lumalabas mula sa liwanag, at doon ay napagtanto ko na ding ang liwanag na makikita sa ilalim ng karagatan ay isang portal
Portal na kumokonekta sa Earth at sa Thera, pero ang ipinagtataka ko lamang ay paano nagkaroon ng ganoong portal dito sa Earth samantalang tanging ang mga taga Earth lamang ang malayang nakakapunta sa Thera pero ang mga taga Thera ay hindi nakakapunta sa Earth maliban na lamang kung kakilala nila mama at papa
Napabalik ang tingin ko sa holographic video ng makarinig ako ng pagungol ng isang halimaw, nakalabas na ngayon ang buong katawan ng halimaw mula sa portal at nakikita ko na din kung anong klase ito, isa itong halimaw na kasing laki ng dalawang pinagsamang tao
Mayroon itong malalaking palikpik sa kanyang likuran at mahabang buntot sa may bandang pelvic area niya, ang kanyang mga paa at kamay ay mayroong mahahabang kuko, ang kanyang mukha ay medyo may kaliitan ngunit mayroon siyang apat na mga mata at malaking bibig na mayroong malalaking ngipin at mahabang dila na katulad ng sa isang ahas
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...