Chapter 50 - The Legend Starts

1.6K 72 4
                                    

Kaizer's POV

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malalakas na katok sa pintuan ko, pakiramdam ko nga hindi na katok yon eh, pwede ko na atang sabihing malakas na paghamps sa pintuan ko

"Fuck! Gising na!" sigaw ko doon sa nakatok sa pintuan ko kasabay noon ang pagbangon ko mula sa kama ko at umupo ako sa gilid nito

Nang tingnan ko ang orasan ay nakita kong 5:00 pa lang ng umaga, bullshit naman napakaaga pa eh, tapos medyo kulang pa ko sa tulog dahil sa inasikaso ko kagabi

Nga pala hindi ko pa pala nasasabi sa inyo yung pangalan ng ikalawa kong guild hindi ba? Haha mamaya ko na lang sasabihin kapag nagkita na ulit kami ng mga bago kong kaibigan sa game

May meetup nga din pala kami ngayon haha, muntik ng mawala sa isipan ko

Anyway tumayo na din ako sa kama ko at ginawa ko na ang daily routines ko tapos ay lumabas na ako ng kwarto ko, paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin yung kumag na mukha ni Kevin na kagigising pa lang

Hindi ko maialis sa kanya yung tingin ko dahil hindi ako makagetover sa istura niya ngayon, napakagulo ng buhok tapos ay ang laki pa ng eyebag ng mga mata niya, hindi ko alam kung matatawa ako o maawa ako sa lalaking to eh

"Yoh!" bati niya lang sa akin tapos ay dumiretso na siya pababa, sinundan ko na lang siya ng tingin habang umiiling iling

Poor guy haha

Pagkatapos noon ay bumaba na din ako para magalmusal, pagdating ko sa baba ay sumalubong sa amin ang napakagulong sala at kusina namin

Paano ba naman kasi nagkalat silang lahat kung saan saan tapos ay yung mga kumag ko pang kaibigan mga kagigising lang din at nakahilata pa

Napaface palm na lang ako dahil sa nakikita ko at pinilit kong hindi sila pansinin dahil baka masira lang yung buong araw ko, badtrip na ako kanina sa kumag na nakatok sa pintuan ko at ayoko ng madagdagan pa iyo

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko sila Izumi at Rhaine na nagaalmusal

"Morning" bati ko sa kanilang dalawa tapos ay umupo ako sa upuang nasa harapan nila saka ako kumuha ng oatmeal

"Morning" sabay nilang bati sa akin tapos noon ay sabay sabay na kaming nagalmusal

Pagkatapos kong magalmusal ay nauna na akong umalis dahil kung hihintayin ko pa sila baka malte lang ako sa pagpasok

Karamihan kasi sa kanila hindi pa nakakaligo at katulad nga ng sinabi ko kanina yung mga kumag kong kaibigan mga bangag pa haha

Pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako ng classroom dahil balak ko pa sanang umidlip kahit na saglit, buti na lang pagdating ko ng room ay ako pa lang ang tao kaya naman medyo magiging komportable pa yung tulog ko

Dali dali akong umupo sa upuan ko at isinalpak ang earphones ko para mas nakakarelax yung tulog ko, paglipas lang ng ilang saglit ay nakatulog na din agad ako

.....

.....

.....

"Kaizeeeeeeeer!" napatayo ako sa upuan ko nang makarinig ako ng malakas na sigaw malapit sa tenga ko, nang tingnan ko kung sino ang sumigaw ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko sila Kevin at Issei na nagtatawanan sa gilid pati na din yung iba ko pang mga kaibigan

Sa halip na bigwasan ko yung dalawa ay pinili ko na lamang na muling umupo tapos ay isinandal ko ang likod ko sa upuan habang nakacross arms

"You okay Kaizer?" tanong sa akin ni Kurt tapos ay umupo siya sa tabi ng upuan ko

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon