Kaizer's POV
*Kriiiiiiiiiiing*
Aaah! Ano ba yan inaantok pa ko eh! Gusto ko pang matulog!
Kinapa kapa ko ang alarm clock ko sa gilid ng kama ko, nang makapa ko ito ay agad kong itinurn off ang alarm
Idinilat ko na din ang mga mata ko tapos ay tumingin ako sa ceiling ng kwarto ko, aish new day again
Walang buhay akong tumayo ng kama ko tapos ay dumiretso ako sa cr para maligo na, pagkatapos kong gawin ang daily routines ko tuwing umaga ay bumaba na din ako
Pagbaba ko naabutan ko sila papa sa table na kumakain
"Morning Ma, Pa" bati ko sa kanila tapos ay umupo na din ako at kumain
"Good morning din anak" bati din sa akin ni mama
"Nga pala Kaizer wala na akong balita sa inyo ni Rhaine, ano na bang nangyari?" tanong sa akin ni papa habang kumukuha ng hotdog
Napatigil naman ako sa pagkain dahil sa sinabi ni papa saglit tapos ay tumingin ako sa kanya, mukhang napansin niya namang nakatingin ako sa kanya kaya naman nag shrug na lang siya
Hindi ko na lang pinansin ang tanong ni papa at itinuloy ko na lang ang pagkain ko, nakakailang subo pa lamang ako ng kanin ng bigla nanamang magtanong si papa
"Eh yung game Kaizer? Kailan mo balak bumalik?" muli nanaman akong napatigil sa pagkain at napatingin sa kanya, mukhang napansin niya naman nakatingin ako sa kanya kaya naman tumingin din ito sa akin pero hindi katulad kanina seryoso si papa ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit
"Wala na po akong balak na maglaro pa ulit noon" mahinang sabi ko tapos ay kumain na ako muli, napansin kong nagkatinginan sila mama at papa at para bang naguusap gamit lamang ang mga mata nila, pero may napansin ako bakit parang pareho silang malungkot
"Sige po aalis na ko Ma, Pa" paalam ko sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila, hindi ko alam kung bakit pero parang biglang nagbago ang aura nila mama at papa noong sinabi kong hindi na ako maglalaro pa ng FRO
Aalis na Sana ako ng hawakan ni mama ang kamay ko
"Kaizer palagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng papa mo ah" sabi ni mama tapos ay ngumiti ito sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ito ni mama sa akin, bakit ba naging weird sila bigla?!
"Oo Kaizer palagi mong tatandaan yon ah" sabi din ni papa tapos ay ngumiti din ito sa akin, teka ano bang nangyayari?! Naguguluhan na ako ah
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng uneasy feeling ng sabihin sa akin yon ni mama at papa, para bang may hindi magandang mangyayari
Ganunpaman isinantabi ko na lang ang mga iniisip kong hindi magagandang bagay at ngumiti din ako sa kanila
"Mahal ko din po kayo" masayang sabi ko sa kanila tapos ay niyakap ko si mama at papa, tumugon din naman sila ng yakap sa akin "Papaano po papasok na po ako" sabi ko tapos ay kumalas na ako sa pagkakayap
Nagsimula na akong maglakad pero muli akong tumingin kila mama at papa tapos ay kumaway ako, nakita ko pa silang ngumiti sa akin pero nagbigay lamang ito ng isang uneasy feeling para sa akin, para bang peke ang mga ngiti nila, hindi ko maintindihan kung bakit pero pakiramdam ko malungkot ang mga ngiting nakikita ko kila mama at papa
Aish Kaizer! Stop thinking shits! Nothing's gonna happen!
Pagkatapos ng ilang minutong pagkukumbinsi sa sarili ko na wala lang ang uneasy feeling na nararamdaman ko ay dumiretso na ko sa sasakyan ko at nagdrive papuntang school
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...