Chapter 90 - The 4th Continent

365 28 2
                                    


Kaizer's POV

Ng maikalma ko ang sarili ko ay saka ko lamang napansin ang pinsalang dinulot ko sa kaharian ng Arcadia

Wasak ang mga establisyimento at nahukay ng napakalalim ang lupa, at ang ulap sa mga langit ay nahati

"Ilang porsyento pa lamang ng natatago mong lakas yan Kaizer" paliwanag sa akin ni gramps habang nakangiti "Huwag ka na ding magalala pa sa pinsala dahil sigurado akong masisisra din naman ang lugar na ito kapag dumating na dito si Divaevus at ang mga hukbo niya" mukhang nabasa ni gramps ang iniisip ko kaya naman kinalma na niya agad ako

Sandali kong tiningnan ang buong paligid kasabay ng pagpapakalma ko sa sarili ko, araw na lamang ang hinihintay at darating na si Divaevus

Papakaunti ng papakaunti ang mga nalalabing araw ko para magpalakas, at hanggang ngayon ay hanggang sa ikatlong kontinente pa lang ng Thera ang natutuklasan ko... teka! Baka may alam si gramps tungkol sa mga natitira pang dalawang kontinente

"Gramps, alam mo ba kung ano pa ang dalawang natitirang kontinente sa Thera?" panandaliang tumigil si gramps na para bang may iniisip na malalim saka siya nagsalita

"Sa totoo lang Kaizer ay limitado ang kaalaman ko sa dalawa pang natitirang kontinente ng Thera" pati si gramps hindi alam kung anong meron sa dalawa pang kontinente? What the hell? "Sa pagkakaalam ko ay tanging ang mga tagapangalaga lamang ng mga misteryosong kontinente ang nakakaalam sa kung ano talaga ang meron sa dalawa pang natitirang kontinente ng Thera, sila Absinthe at Kiran ay siguradong may alam tungkol sa dalawa pang natitirang kontinente kaya naman sila na lamang ang tanungin mo" I see... kung ganon pala ay kailangan ko ng bumalik sa Zhuro sa lalong madaling panahon

"Sige na gramps, babalik na ko sa Zhuro. Kayo na lamang muna ang bahala sa pamamahala sa Ignis at depensa sa Earth, kayo na lang din ang bahalang magpaliwanag sa kanila sa kung ano ang nangyayari" tumango sa akin si gramps pagkatapos ay nagbilin siya sa akin ng ilang mga bagay at saka ako nagteleport papuntang Zhuro

Pagdating ko sa Zhuro ay nagulat ako dahil nagkakagulo ang buong lugar, ang mga tagapangalaga ng mga lumulutang na isla ay may kanya kanyang inaasikaso at sa hindi kalayuan ay kausap ni Shiryuu sila Absinthe at Kiran

"Shiryuu, Absinthe, Kiran!" bati ko sa kanila

"Kaizer wala na tayong oras, kailangan mo ng pumunta sa susunod na kontinente at sanayin ang lakas mo" nagmamadaling sabi ni Kiran pagkatapos ay hinila niya ako patungo sa kung saan

Sila Shiryuu at Absinthe ay tahimik lamang na nakasunod sa aming dalawa, magtatanong na sana ako kay Kiran patungkol sa ikaapat at ikalimang kontinente pero naunahan niya na akong magpaliwanag

"Ang ikaapat at ikalimang kontinente ay nananatiling misteryoso Kaizer, kahit kaming dalawa ni Absinthe ay walang alam tungkol sa natitira pang mga kontinente at sa totoo lang ay kahit kaming dalawa ni Absinthe ay nahihiwagaan sa dalawa pang kontinente. Sinubukan na naming pumunta sa ikaapat na kontinente pero bigo kaming dalawa" paliwanag niya sa akin

"Kung ganon ay paano ko mararating ang ikaapat na kontinente kung walang daan para mapuntahan ito?" tanong ko

"Sa pinakadulong bahagi ng Zhuro ay nakatago ang isang sikretong lagusan. Sa totoo lang ay kahit kaming dalawa ni Absinthe ay nahihiwagaan sa lagusang iyon, maraming beses na naming sinubukang pumasok sa lagusan pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa amin bago pa kami makalapit dito" Shit! "Pero naniniwala kaming dalawa ni Absinthe na magagawa mong makapasok sa lagusan" para bang siguradong sigurado si Kiran na magagawa kong makapasok sa lagusan kaya naman hindi na ako nagtanong pa

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon