Kaizer's POV
Kasalukuyan kaming naglalakad nang mga kaibigan ko ngayon papunta sa Epiria village, hanggang ngayon badtrip pa din ang mga kaibigan ko sa nangyari kanina
Sinusubukan ko silang kausapin habang nasa daan pero hindi sila matitinong kausap kaya naman pinabayaan ko na lang sila at ifinocus ko na lang ang atensyon ko sa daan
By the way naglalakad lang kami ngayon kaya sa tingin ko aabutin nanaman kami nang siyam siyam bago kami makarating sa Epiria
Sabi ko sa kanila mas magandang tumakbo na lang kami para mabilis pero walang sumagot sa akin kaya naman tumahimik na lang ako
Sa ngayon katabi ko si Izumi, tanong siya nang tanong sa akin kung malapit na daw ba dahil kanina pa kami naglalakad
Kung itatanong niyo kung ilang beses niya nang tanong yan sigurado nasa pang dalawampu niya na yan, ang dami na no?
Kung sabagay ilang oras na din kasi kaming naglalakad, siguro mga nasa walong oras na din haha
Pagabi na ngayon sa game at sa tingin ko mukhang hindi kami aabot sa Epiria bago mag gabi, sa tingin magcacamp na lang ulit kami
Pagkatapos nang isang oras pang paglalakad nakarating kami sa isang open grassfields dito sa bundok, napagpasyahan na din namin na dito na magcamp
Kumuha na kami nang mga kahoy nang mga kaibigan ko para sa bonfire, pagkatapos naming kumuha nang mga kahoy ay bumalik na kami sa campsite
Gumawa ang mga kaibigan ko nang apoy kaya naman nagsimula nang magluto ang mga babae
Pinabayaan ko na lang sila dahil mukhang wala naman na akong maitutulong na iba, humanap ako nang magandang pwesto para mapaghigaan
Nang makahanap ako nang pwesto ay agad akong humiga sa damuhan, ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ko ang napakapreskong simoy nang hangin, parang musika sa tenga ko ang huni nang mga ibon sa paligid
How relaxing, sana meron ding ganitong lugar sa real world... sana
Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa langit, bumungad sa akin ang dalawang nagniningningan na buwan, napakaliliwanag nilang dalawa at ang sarap nilang pagmasdan
Naalala ko tuloy yung unang beses na umakyat kami nang mga kaibigan ko sa bundok na to, that night was also the night I confessed to Rhaine
Iyon din ang gabi kung saan ako unang nareject nang babae, I know it hurts but wala akong magagawa
The feeling is not mutual, I can't force myself to a person who doesn't even want me
Masasaktan lang ako pag ginawa ko yon
Napansin ko na lang na may tumutulo nang tubig sa magkabilang pisngi ko, agad ko itong pinunasan gamit ang dalawa kong kamay
Damn it! Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa tuwing naalala ko yung gabing iyon
Tumayo na ako at bumalik na sa mga kaibigan ko, naabutan ko pa silang naghahanda na para sa pagkain
"Oh Kaizer saan ka galing?" napatingin sa akin ang lahat nang kausapin ako ni Chrissia
"I'm just taking a stroll" walang gana kong sagot sa kanya tapos ay kumuha na ako nang pagkain ko pero nung napatapat ang mukha ko sa ilaw nang apoy ay napansin kong nagulat si Yumina
"Kaizer umiyak ka ba?" napatigil ang lahat sa ginagawa nila at napatingin sa akin "Yung mata mo kasi namumula tapos medyo basa pa yung gilid nang pisngi mo kaya natanong ko kung umiyak ka" dagdag pa ni Yumina
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science-FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
