Kaizer's POV
Kinaumagahan ay maaga akong nagising , ginawa ko lamang ang daily routines ko tuwing umaga at pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining room
Pagdating ko sa kusina ay inabutan ko ang mga kaibigan ko na nagaagahan na, omelette at fried rice ang almusal namin ngayon na naging dahilan ng pagngiti ko
Good way to start a day, paborito ko kasi ang kombinasyon ng omelette at fried rice kapag agahan, somehow pakiramdam ko magiging maganda ang buong araw ko kapag ganito ang almusal ko tuwing umaga
Well alam ko namang sa araw na to hindi magkakatotoo ang iniisip ko ngayon dahil siguradong magiinit ng matindi ang ulo ko mamaya pagdating ko sa Thera, well sa ngayon ayoko na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyon
Tsaka isa pa mas maganda na din ang ganito paran naman yung kalahati ng araw ko ay maganda, anyways umupo na din ako sa isang bakanteng upuan sa lamesa at nagsimula na ding kumain
Binati lang ako ng mga kaibigan ko at syempre bumati din ako sa kanila pabalik saka ko sinimulan ang pagaalmusal, pagkatapos naming kumain ay nagpresenta na akong ako na ang maghuhugas tutal good mood naman ako ngayon
Dapat samantalahin na nila ito dahil siguradong magiging matindi ang pagiging bad mood ko sa mga susunod na araw, well alam ko namang maiintindihan nila kung bakit ako magkakaganon kaya no worries na
Anyway pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa living room upang sabay sabay na sana kami pumasok kaya nga lang pagdating ko sa living room ay wala ng tao roon, napakamot na lang ako ng ulo dahil sa mga kaibigan ko
Hindi man lang ako hinintay sa pagpasok, mga nagsipaguna na, touche!
Hindi ko na lang yon ginawang big deal at sa halip ay pumasok na lang din ako sa eskwelahan namin, nag commute lang ako dahil hindi ko feel ang magdrive, mamaya maaksidente pa ako eh
Kaso mukhang wrong move yung ginawa kong pagcocommute dahil may mga nakasabay akong mga estudyante ng ibang school na malapit lang sa eskwelahang pinapasukan ko, ayos lang sanang pagbulungan nila ako eh kaya nga lang grabe yung mga kasama nilang mga bakla huhu
Grabe nanghihipo na eh, katabi ko kasi sa train tapos siksikan pa kaya nakakahipo, naiilang na nga ako eh, kaya naman nung pagdating ko sa stop ay agad akong lumabas, tinatawag pa ako nung mga bakla pero hindi na ako lumingon
Huhu! Wala po akong interes sa Yaoi (A/N: Yaoi is Boys Love in short Boy to Boy)
Isinantabi ko na lang yung karanasan kong iyon dahil ayoko ng maalala pa kung ano yung nangyari sa akin doon sa train, I swear hindi na talaga ako sasakay ng train kapag siksikan huhu
Anyways pagdating ko sa eskwelahan ay sumalubong nanaman sa akin yung mga fans club ko dito sa school, araw araw silang ganyan pero hindi pa din ako nasasanay
Medyo nakakarindi yung mga tilian nila kaya naman palagi akong nakaearphone pag napasok pero iba ngayon, walang nakasalpak na dalawang earphones sa magkabilang tenga ko
Dahil medyo good mood pa ako ngayon ay iniba ko ang entrance ko, imbis na snob na Kaizer ang makita nila ay isang friendly Kaizer ang sumalubong sa kanila ngayon, samantalahin na din nila ito dahil once in a blue moon lang ito mangyayari tsaka isa pa sigurong magiging matindi ang attitude ko sa mga darating na araw
Pagkatapos ng palabas kong iyon, medyo nakakapangiwing sabihin yung salitang 'palabas ko' anyways pagdating ko sa classroom ay dumiretso lang ako sa upuan ko, nang mapatingin ako sa bintana sa gilid ko ay nakita ko yung mga myembro ng fans club ko na nasa labas ng classroom, at syempre ako naman ngumiti
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...