Chapter 45 - A Stroll and A War

1.7K 86 36
                                    



Kaizer's POV

Kasalukuyan kaming magkaharap ni mama ngayon sa isang napakalaking kwarto, seryoso kaming nagtititigan ni mama at para bang pinapakiramdaman namin ang isa't isa

"Welcome to Ignis City Kaizer" masayang sabi sa akin ni mama habang nakangiti ng malawak "Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo kung ano at para saan ang syudad na ito. Ang Ignis City ay nilikha namin ng iyong ama katuwang ang iba't ibang nilalang mula sa mundo ng Thera sa pamamagitan ng pagsusummon sa kanila mula sa isang portal. Ginawa ang Ignis City upang magsilbing pinakamalakas na depensa ng Earth laban sa mga alagad ni Divaevus na unti unti nang naglalabasan ngayon sa Earth. Ang syudad na ito ay ang masasabi kong pinakaligtas na lugar sa buong Earth, napapalibutan ang Ignis City ng mga nagtataasang mga pader na gawa sa isang espesyal at matibay na bato mula sa Thera, nilagyan din ng mga enchantments ang mga pader upang mas lalo itong tumibay. Mayroon ding mga nakakabit na iba't ibang elemental towers sa tabi ng mga pader. Ang syudad na din na ito ay pinoprotektahan ng isang napakatibay na barrier na gawa namin ng iyong ama. Sa ngayon patuloy naming inuupgrade ang buong syudad upang mas lalo itong lumakas at tumibay" tumayo si mama mula sa kanyang upuan tapos ay pumunta siya sa napakalaking bintana sa likod ng upuan niya at sumilip siya doon "Kung napapansin mo ang syudad na ito ay mayroong kakaibang disenyo. Mayroong paliwanag kung bakit magkahalo ang modern at medieval design sa buong Ignis City. Ang paghahalo ng modernong teknolohiya at mahika ay maaring maging magandang sandata upang labanan si Divaevus" medyo naguluhan ako sa sinabi ni mama na magiging magandang sandata ang paghahalo ng modernong teknolohiya at mahika laban kay Divaevus at mukhang napansin naman ito ni mama "Halimbawa Kaizer, isipin mong mayroong isang bagong gawang baril gamit ang modernong syensya, hindi ba't napakaganda nito dahil angat ang specs nito kung ikukumpara sa mga makalumang baril, ngayon isipin mo naman na ang baril na iyon ay nilagyan ng enchantment gamit ang mahika. Ngayon sabihin mo sa akin, naiisip mo ba kung magiging gaano kalakas ang baril na iyon" dahil sa paliwanag ni mama ay klumaro na sa akin ang sinasabi niya, maganda ngang ideya ang ganoon ang paggawa ng mga sandata gamit ang modernong syensya at ang pagpapalakas pa dito gamit ang iba't ibang uri ng mahika, that's definitely a brilliant idea "Ang isa pang dahilan ay dahil sa kapag dumating na ang panahon na lusubin ni Divaevus ang Thera at ang Earth ang Ignis City ang magiging pansamantalang tirahan ng lahat. Balak namin ng papa mo na ipasok dito ang lahat ng mga naninirahan sa Thera at Earth" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong sinabi ni mama, I know that Ignis City is a huge city but saying that this city will be a temporary shelter of almost trillion creatures, parang hindi kapani-paniwala ang ganoon "Alam kong nagdududa ka Kaizer kaya naman tingnan mo ito" nagswipe si mama sa hangin at bigla na lang may lumabas na isang holographic keyboard

May pinindot na kung ano ano si mama tapos ay bigla na lamang may lumabas na isang holographic picture

Pinapakita ng isang holographic figure ang isang napakalaking syudad na sa tingin ko ay ang Ignis City

Lumapit si mama sa holographic picture ng Ignis City tapos ay izinoom niya ito mula sa ibaba, mula roon ay may lumabas na isa pang kaparehas ng Ignis City pero nakabaliktad ito at nakalagay sa ilalim ng Ignis City na unang ipinakita ng hologram, gets niyo ba yung paliwanag ko? Kung hindi wag niyo na lang intindihin haha

(Tamad magdescribe tsk! Paano nila maiintindihan yan?!)

Author doon ka muna sa tabi tabi, seryoso kaming naguusap dito eh tapos sisingit ka

(Yeah, yeah whatever)

So ayun balik na tayo sa pinaguusapan namin ni mama, umepal nanaman kasi yung author eh

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon