Chapter 76 - The One Sided War

1.5K 100 20
                                    

Kaizer's POV

Ilang minuto na ang lumilipas nang magsimula ang laban sa pagitan ng aking guild na United Arisen at Shadows laban sa tatlumpung pinagsama samang guild na nais kaming pabagsakin

Nagpdala pa ng mga sulat na nagdedeklara ng gyera para magmukha silang malinis... Well wala naman akong pakielam

Tutal wala naman silang pagasang manalo sa amin, they just messed up with the wrong guild

Itinigil ko ang pagiisip ng makita ko ang isang palasong bumubulusok patungo sa akin

Nang mapunta ang palaso sa aking harapan ay mabilis ko itong kinuha gamit ang aking kamay tapos ay ibinato ko ito sa pwesto kung saan ko ito nakita

Lumikha ng isang air wave ang palasong aking ibinato dahil sa lakas nito

Nang tumama ito sa mga kalaban ay nagkaroon ng pagsabog ang lugar at napalibutan ito ng makapal na alikabok

Pansamantalang tumigil ang laban dahil doon, ang lahat ng atensyon sa paligid ay nasa lugar lamang ng pagsabog at sa akin

Pabalik balik ang kanilang mga tingin at bakas sa kanilang mga ekspresyon ang labis na pagkagulat

Nagblink na lamang ako papalayo upang makatakas sa mga nakakairita nilang mga tingin sa akin

Bunch of idiots!

This is a war kaya naman hindi na dapat pa silang magulat na makakita ng ganoon

Lahat ay maaring mangyari sa gitna ng isang laban kaya naman ako, i always expect the worsest scenario that may happen

Hindi mo malalaman kung ano ang kakayahan ng kalaban mo kung ibabase mo lang sa pisikal na appearance niya ang conclusion mo

Sabi nga nila 'Don't judge the book by it's cover'

Anyways back to reality na tayo, nagpapatuloy pa din ang laban hanggang ngayon at masasabi kong uhh... Talagang one sided yung laban

Totoong marami nga ang kalaban pero nawawalan din iyon ng saysay dahil na din sa ginawang pagsasanay ng mga myembro ng aking guild at isama mo pa ang mga equipments nilang puro mga upgraded at enchanted, salamat sa mga gold na nakuha ko mula sa mga napatay kong mga halimaw haha

*Boooooooooogsh*

Napalingon ako sa hindi kalayuan ng makarinig ako ng isang malakas na pagsabog

Mula roon ay nakita ko si Shiryuu na lumilipad at sa ilalim niya ay mayroong makapal na alikabok

Nang mawala ang alikabok ay tumambad ang isang crater sa ilalim na nagaapoy pa din hanggang ngayon at naroroon din ang ilang mga bahagi ng katawa ng ilang mga taga earth at mga kasama nitong pet

Napafacepalm na lamang ako dahil sa ginawa ni Shiryuu, i already told her to hold back pero ganito pa din yung nangyari

Sheez, what a troublesome partner

"Oi Kaizer naririnig ko yang mga thoughts mo dyan! Remember konektado tayo sa isa't isa at isa pa i already hold back my power when i release that ball of fire!" bulyaw sa akin ni Shiryuu through telepathy

Napakamot na lamang ako ng ulo ko dahil sa pagbulyaw sa akin ni Shiryuu, sheez nakalimutan kong connected nga pala yung mga thoughts namin

Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin at ako naman ay umupo na lamang sa damuhan at pinanood ang nagaganap na labanan

Ibinaling ko ang aking tingin kila Kevin at nakita kong maganda ang ipinapakita nila sa laban ngayon

Despite of being in charge of the guild nagawa pa din nilang magpalakas, hindi man nagbago ang mga equipments nila nagbago naman ng malaki ang bawat galaw nila

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon