Kaizer's POV
Ilang araw pa akong nanatili sa dragon village para asikasuhin ang ibang mga bagay, katulad na lang ng pagtulong sa kanila sa pagtatanim mula at iba pa
Sa mga panahon ding iyon ay lumapit na sa akin ang loob ng lahat ng mga dragon sa dragon village, nakakatuwa nga eh, kasi nung una ilang pa sila sa akin pero ngayon sila na mismo ang lumalapit sa akin at nakikipagkwentuhan
Syempre natutuwa naman ako dahil doon, imagine kaibigan ko na lahat yung mga dragon dito, sino ba naman ang hindi matutuwa hindi ba?
Nang dumating ang araw na kinakailangan ko ng umalis ay binalak pa akong pigilan ni Elder Dragnar at sinabing kahit na isang araw pa daw ay manatili ako sa dragon village para naman daw makapagpahinga ako dahil nitong mga nakaraang araw ay puro pagtulong daw sa mga trabaho nila sa village ang inaatupag ko
Syempre natuwa naman ako dahil sa sinabi niya kaya nga lang sinabi kong may mahalaga pa akong gawin kaya naman sumuko na din siya, pero ang pinakahindi ko inaasahan ay ang pagkausap sa akin ni Airi nang paalis na ako
Simula kasi pagdating ko hanggang ngayong araw ay hindi niya ako masyadong kinakausap, parang iniilagan niya pa nga ako eh
"Aalis ka na ba talaga?" tanong niya sa akin pero nagtataka ako dahil bakit parang malungkot ang tono ng boses niya nang magsalita siya
"Yeah kailangan ko ng umalis, marami pa akong aasikasuhin eh" sagot ko sa kanya habang nakangiti ng tagilid, medyo awkward kasi ngayon niya lang ako kinausap eh tapos parang ang lungkot niya pa kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon
"Ganoon ba" saad niya kasunod noon ang biglaan niyang pagyuko kaya naman medyo nagalala ako, pero panandalian lang naman iyon dahil sa muli din naman niyang iniangat agad ang kanyang ulo "Babalik ka dito hindi ba?" muli niyang sabi
"Yup babalik pa ako sa lugar na to" sabi ko sa kanya nang mayroong ngiti sa aking mga labi, I'll definitely come back here
Nakita ko siyang ngumiti sa akin sa unang pagkakataon kaya naman medyo nabigla ako pero panandalian lamang iyon, sinuklian ko din ang matamis na ngiti niya sa akin tapos ay naglakad na ako papasok sa kweba na dinaanan namin ni Rexon nung unang beses kaming pumasok dito ni Rexon
Habang naglalakad ako papalayo ay naririnig ko pa ang mga sigaw nila sa akin na sinasabing bumalik daw ako agad at magiingat ako, syempre natutuwa ako dahil napalapit na ang loob nila sa akin kaya naman muli akong humarap sa kanila at kumaway saka ako tuluyang pumasok sa kweba
Habang naglalakad ako palabas ng kweba ay biglang tumawag sa akin si Zed, agad ko naman iyong sinagot at nagsalita
"Oh?" bati ko sa kabilang linya
"Tapos na naming libutin ang lahat ng mga nakatagong village dito sa Ningen Continent, mayroon kaming nakitang sampung hidden village sa buong kontinente" ulat niya sa akin kaya naman napangiti ako
"Ok good work. Go back to the guild house may sasabihin ako sa inyo" sabi ko sa kanya tapos ay tinapos na namin ang tawag
Linggo na din pala ang lumilipas simula noong tumira ako sa dragon village, ano na kayang nangyayari sa mga kaharian dito sa Ningen
Paglabas ko ng kweba ay agad akong kumuha ng isang teleportation ore at nagteleport patungong Kitaria Kingdom para imeet sila Zed, mayroon akong bagong trabahong ibibigay sa kanilang lima
Pagdating ko sa guild house ay naabutan ko yung lima na nakaupo sa isang lamesa at nagkukwentuhan, agad akong lumapit sa kanilang lima at kumuha ng isang bakanteng upuan saka ako tumabi sa kanila
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
