Kaizer's POV
Tumahimik ang buong kwarto nang makita nila akong lahat, wala man lang kahit na isa sa kanila ang kumukurap, lahat sila ay hindi nagsasalita at tahimik lang na nakatingin sa akin
Seriously? Anong nangyari sa kanila?
"Uhh...hello?" pagbasag ko sa awkward na atmosphere na bumabalot sa paligid pero mukhang hindi effective dahil hindi pa din sila nagalaw
So maghihintay muna ako na makarecover silang lahat?
"Oi Jules anong nangyari sa kanilang lahat?" pagtatanong ko kay Jules na nasa tabi ko
"Sa malamang Dark hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon" sagot ni Jules habang knakamot ang likod nang ulo niya "Alam mo ba Dark na simula nang mawala ka ay araw araw nilang hinihintay ang pagbabalik mo, lalong lalo na si Shaira na araw araw na nasa balcony at nakatingin sa malayo" mukhang talagang hinintay nila akong lahat haha
"Ganon ba, dapat pala bumalik na agad ako dito haha" pabiro kong sagot kay Jules na siya naman niyang tiwanan
Napatigil kami sa paguusap ni Jules nang makarinig kami nang yapak nang mga paa na natakbo papunta sa amin, pagtingin ko sa harapan ay bumungad sa akin si Shaira na tumatakbo papunta sa akin
"Dark!" sigaw niya sa akin tapos ay nang nakalapit siya ay niyakap niya ko nang napakahigpit
"Yoh Shaira, im back" nakangiti kong sabi sa kanya habang nakayakap siya sa akin
"Sa wakas bumalik ka din, alam mo bang ang tagal kitang hinintay" napansin kong parang humihikbi siya habang nagsasalita kaya naman bahagya ko siyang inilayo sa akin tapos ay hiniawakan ko ang chin niya saka koi to iniangat para makita ko ang mukha niya
Patuloy ang pagtulo nang mga luha mula sa mga mata ni Shaira kaya naman pinunasan koi to gamit ang hinlalaki ko
"Huwag ka nang umiyak dahil nandito na ulit ako at isa pa wala na akong balak na umalis pa" sabi ko sa kanya para naman gumaan gaan ang kalooban niya
Kung hindi ko lang iisiping nasa game world ako ay siguradong aakalain kong tunay na tao si Shaira dahil sa emosyon na ipinapakita niya sa akin ngayon
Napakagagaling siguro nang gumawa nang larong ito dahil sa napakaadvance nang ai's nila, para bang mga tunay na tao na talaga, ang astig haha
Pero hindi ako kumbinsido na isa lang normal game ang larong ito, masyadong misteryoso ang larong ito, mula sa mga character sa loob nang laro hanggang sa mga village
"Talaga hindi ka na aalis ulit?" tanong sa akin ni Shaira habang nakatingin siya sa mga mata ko
Bilang pagsagot ay tumango ako sa kanya, nang makita niya akong tumango ay gumuhit ang isang napakalaking ngiti mula sa kanyang mga labi
"Maligayang pagbabalik Dark" napatingin ako kay King Chrono na nagsalta mula sa harapan ko
"Yoh King Chrono kamusta ka na?" tanong ko sa kanya, namiss ko ding kausap itong haring to haha
"Mabuti naman pero mas mabuti ngayon dahil nagbalik ka na haha" patawa tawa niyang sabi sa akin
Ito ang maganda sa personality ni King Chrono, hindi katulad nang ibang hari na seryoso at mahihigpit si King Chrono ay masiyahin at palabiro kaya naman gustong gusto ko siyang kausap
"Hindi ka pa din pala nagbabago haha" pagbibiro ko sa kanya na siya naman niyang tinawanan
Pagkatapos noon ay pinalibutan kami nang mga tao sa loob nang receiving room nang hari, lahat sila ay kinakamusta ako at masyang nakikipagkwentuhan sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/136520210-288-k679590.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science-FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...