Chapter 46 - United Arisen

1.7K 72 3
                                    



Kaizer's POV

Katatapos ko lang na ilibing ang lahat ng mga kawal ng Acollo Kingdom na pinatay ko kanina, nagtatagaktakan na yung mga pawis ko sa katawan dahil sa kanina pa ako nakabilad sa araw

Sana naman hindi na magpadala pa ng mga kawal niya ang hari ng Acollo Kingdom, ayoko nang makakita pa nang ganoong pangyayari sa harapan ko at baka hindi na kayanin pa ng konsensya ko

Iyon kasi ang unang beses na pumatay ako ng mga naninirahan sa Thera magmula nang malaman ko ang buong katotohanan, at sila din ang mga unang hindi halimaw na nilalang na pinatay ko sa Thera

Kung hindi lang sana dahil sa bastardong prinsipe na iyon hindi sana mangyayari ito sa kanilang lahat, pero aaminin ko din na may parte dito na kasalanan ko din

Kung hindi ko sana ininis ng ganoon yung prinsipe ng Acollo hindi sana siya magsusumbong sa kanyang ama na hari ng Acollo at hindi sana sila magpapadala ng mga kawal nila dito, pero hindi lang naman ako ang may kasalanan eh

Mas malaki ang mga kasalanan nang prinsipe at hari ng Acollo, ang prinsipe nila ay masyadong hambog at mapagmataas habang ang hari naman ay sunod sunuran sa kanyang anak

Pakiramdam ko nga eh ang hari ang dahilan kung bakit lumaking ganoon ang prinsipeng iyon, masyado siguro nilang pinalaki sa luho ang lalaking iyon kaya naman hindi siya sanay na hindi makuha lahat ng gusto niya

Ito na ang huling pagkakataong gagawin ko ang bagay na ito, hindi ko na hahayaan pang may sumunod pang ganito lalo pa't alam kong mayroon din silang mga mahal sa buhay na naghihintay sa kanilang paguwi

Gustuhin ko mang gamitin ang grimoire of death ko upang muli silang buhayin ay hindi ko maaring gawin iyon, hindi ko alam kung mayroon bang side effects ang binabalak kong iyon

At saka isa pa hindi ko na dapat pang pakielaman ang mga buhay ng mga namatay na, lalo pa't wala akong ulam kung ano ang pwedeng mangyari kapag nangielam ako

Baka mawala ang balance ng mundong ito kapag pinakielaman ko ang buhay nang lahat

Pansamantala muna akong umupo sa gilid nang isang puso tapos ay isinandal ko ang katawan ko dito saka ko iniangat ang ulo ko at tumingin sa langit

Patagal ng patagal mas lalong dumarami ang lumalabas na problema dito sa Thera, nagaalala akong baka sa susunod ay hindi ko na kayaning magisa ang pagharap sa darating pang mga mas malalaking problema

Sa tingin ko ay panahon na upang humanap ako ng mga makakatulong at makakasama ko sa pagsasaayos ng mundong ito

Panahon na upang bumuo ako nang sarili kong guild, kailangan kong sabihan ang mga kaibigan ko tungkol dito pati na din si Drake

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at bumalik sa kastilyo ng Arcadia, pagdating ko sa receiving room ay ang mukha ni King Chrono na nagaalala ang unang sumalubong sa akin

"Anong nangyari Dark?" bungad niya sa akin nang makapasok ako sa kwarto

"Huwag na po kayong mag-alala sa mga kawal ng Acollo na papalusob dito sa Arcadia dahil hindi na sila makakarating" medyo mahinang sagot ko sa kanya dahil hanggang ngayon medyo nakokonsensya pa din ako sa nagawa ko

Tumahimik si King Chrono at tumingin sa malayo, marahil ay alam niya na kung anong sinapit nang mga kawal ng Acollo Kingdom nang magkaharap harap kami

Humarap sa akin si King Chrono na mayroong seryosong ekspresyon kaya naman medyo kinabahan ako, hindi ko kasi alam kung tama ba yung ginawa ko sa mga kawal ng Acollo... pero kasi kung pinabayaan ko sila marahil ay ang buong Arcadia naman ang nagluluksa ngayon

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon