Chapter 32 - Massacre

1.9K 83 3
                                    


Kaizer's POV

Iniwan ko ang mga kaibigan ko sa palasyo nang Arcadia habang ako naman ay pumunta sa may plaza nang kaharian, sigurado akong naririto pa din sa kaharian ang mga walang hiyang yon

Kasalukuyan ako ngayong nakatayo sa isa sa mga bahay sa plaza, mula dito ay kitang kita ko ang halos lahat nang mga player sa plaza

Napansin kong parang malungkot at walang buhay ang plaza ngayon, siguro ay dahil nabalitaan na nila na may ginawa nanamang kalokohan ang mga myembro nang Black Skull Guild

Tsk! Those fuckers, huwag na huwag silang magpapakita sa akin dahil sisiguraduhin kong wala akong ititira sa kanila kahit isa

Dahil sa mukhang wala naman ang mga myembro nang Black Skull Guild sa plaza ay umalis na ako doon, lilibutin ko na lang ang buong kaharian

Halos malibot ko na ang buong kaharian nang Arcadia pero wala akong makita na myembro nang Black Skull Guild, tsk! Saan naman kaya nagtatago yung mga kumag na yon?!

Siguro ay kailangan ko nang magtanong tanong sa mga player na naririto ngayon sa kaharian, magbabaka sakali na lang ako na may nakakita sa kanila

Pabalik na sana ako sa plaza nang makarinig ako nang sigaw hindi kalayuan sa pwesto ko, agad agad akong pumunta sa pinangalingan nang boses

Nadatnan ko sa isang eskinita ang ang limang players na pinapalibutan nang mga myembro nang Black Skull Guild

Finally! It's payback time bitches!

Mula sa itaas nang bahay ay tumalon ako pababa, sinakto ko ang bagsak ko sa harap nang limang players, napansin kong mukhang malakas din ang limang players na nasa likuran ko ngayon dahil nakasuot sila nang mga ancient type equipments, alam ko na kung bakit sila ang target nang mga kumag na to

"Hoy ungas sino ka?" tanong sa akin nang isang myembro nang Black Skull pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay humarap ako sa limang players na nasa likuran ko ngayon, kitang kita ko sa kanila ang matinding kaba at takot sa harapan nila

"Umalis na kayo dito" seryosong sabi ko sa kanilang lima pero parang wala silang narinig dahil nanatili silang nakatayo sa mga pwesto nila at nakatingin sa akin

Napaface palm na lang ako dahil sa limang player na nasa harapan ko ngayon, pumitik ako sa hangin kaya naman napakurap silang lima at mukhang bumalik na sila sa katinuan nila

"Go" seryosong sabi ko sa kanilang lima tapos ay muli na akong humarap sa mga walang hiyang myembro nang Black Skull Guild

"L-lalabanan mo silang lahat?" narinig kong tanong sa akin nang isang lalaking player na knight ang class

"Just go ahead, magiging abala lang kayo" sagot ko sa kanya habang seryoso pa din akong nakatingin sa mga myembro nang Black Skull Guild

"Huwag ka ngang magpakabayani dyan! Kung kami nga hindi sila kaya ikaw pa? tingnan mo nga yang set mo, nakaesuot ka lang nang normal type equipments tapos gusto mo silang labanan lahat? Nahihibang ka na ba?" sigaw naman sa akin nang isa pang lalaking player na swordsman naman ang class

Medyo nabadtrip ako sa sinabi niyang 'nahihibang ka na ba?', anong tingin niya sa akin idiot? Malamang hindi ko lalabanan ang mga kumag na to kung alam kong hindi ako mananalo sa kanila

"Kuya sumama ka na lang din sa amin at sabay sabay na tayong tumakas dito, hindi mo kayang magisa ang mga player na yan" nag-aalalang sabi naman sa akin nang kasama nilang babae na mage ang class

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon