Kaizer's POV
Kakagising ko lang at kasalukuyan ako ngayong nakatanaw sa bintana ng kwarto ko dito sa palasyo ng Arcadia, mula dito ay tanaw na tanaw ko ang mga kabahayan ng mga naninirahan dito sa Arcadia
Unti unti ay nagkakarecover na ang Arcadia sa ginawang paglusob dito ng Black Skull kaya naman natutuwa ako
Speaking of black skull simula noong inubos namin silang lahat ni Drake at napatay ko ang leader nila ay wala na akong naririnig na balita tungkol sa kanila, may mga haka haka na nadisband na daw yung guild pagkatapos nang gulong iyon, sabi naman ng iba baka naghahanda ulit para sa susunod nilang pagatake
Well kung aatake naman ulit sila sinisugurado kong hindi pa sila nakakapatay ng isang tao hahandusay na agad sila
Anyway tama na muna ang usapan tungkol sa mga taong wala naman na, lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa receiving room, pagdating ko sa receiving room ng palasyo ay agad akong lumapit kay King Chrono pero hindi pa ako nakakalapit sa kanya nang may bigla na lang yumakap sa akin mula sa likuran ko ng napakahigpit at tinakpan pa nito ang mga mata ko gamit ang dalawa niyang kamay
"Hulaan mo kung sino ako" hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil kay Shaira, pamilyar na pamilyar na kasi sa akin yung pabango niya pati na din yung boses niya kaya naman kahit takpan niya yung dalawa kong mata ay nasisiguro kong siya yung taong tumatakip sa mga mata ko ngayon
"Shaira hindi uubra sa akin yang ganyan haha" natatawa kong sabi sa kanya kaya naman agad niyang tinanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko at humarap sa akin habang nakapout
"Ang duga mo Dark" naiinis na sabi niya sa akin habang pinagpapapalo niya ang dibdib ko, hindi naman masakit ang pagpalo niya sa akin kaya naman natatawa ako sa kanya
"Dark! Magandang umaga" napatigil si Shaira sa ginagawa niya at sabay kaming tumingin sa harapan ng tawagin ako ni King Chrono
"Magandang uamga din po" nakangiting bati ko din sa kanya tapos ay bahagya akong yumuko para magbigay galang
Sabay kaming lumapit ni Shaira papunta kay King Chrono, nang makalapit kami kay King Chrono ay lumapit si Shaira sa kanyang ama at hinalikan niya ito sa pisngi tapos ay bumalik din agad ito sa tabi ko at niyakap ang kaliwang braso ko
Napapansin kong parang mas nagiging clingy sa akin si Shaira ngayon, kinakabahan tuloy ako eh tapos naalala ko pa yung pinagkukwento niya sa akin kahapon sa may veranda
"Kamusta ang tulog mo Dark?" nakangiting tanong sa akin ni King Chrono
"Ayos naman po" sagot ko naman sa kanya
"Tutal nandito ka na lang din naman Dark bakit hindi ka pa sumabay sa amin sa pagaalmusal?" mungkahi ni King Chrono na mabilis namang sinangayunan ni Shaira, syempre pumayag na din ako, wala namang dahilan para tumanggi hindi ba?
Tsaka isa pa ito ang unang pagkakataon na makakasabay ko sila King Chrono sa almusal pati na din ang buong royal family, dagdag experience din to haha
Sumabay na ako kila King Chrono papunta sa dining room, pagpasok namin sa loob ay nalula ako sa sobrang laki ng kwarto at pati na din ang magagandang gamit na nakalagay dito
Mayroong malaking puting chandelier sa kisame at mayroong mga naglalakihang portrait ng royal family na nakasabit sa dingding nang kwarto, sa gitna naman ay mayroong mahabang lamesa na nababalutan ng isang magandang klase nang sapin, sa tabi ng lamesa ay mayroong mga upuan na yari mula sa magagandang klase ng kahoy at nadidisenyuhan nang mga mamahaling bato
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Fiksi IlmiahIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...