Kaizer's POV
Dahil sa masyadong naging pre-occupied ang utak ko sa laban namin ng misteryosong nilalang kanina hindi ko na napansin ang nangyayari sa paligid ko, nagbalik lang ako sa realidad ng lapitan ako ng mga kaibigan ko.
"Kaizer anong nangyari natalo mo ba yung kalaban?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rhaine, Shit! Paano ko pala ipapaliwanag sa kanila yung nangyari kanina aish
"Natalo ako" walang buhay kong sagot sa kanya, lahat sila ay nagulat sa isinagot ko, tsk! Kahit ako din naman kanina eh nagulat ako sa lakas ng kalaban
"Paano nangaring natalo ka tapos nandito ka at yung kalaban naman natin ay wala? Ano to reverse yung nangyari?" nagtatakang tanong sa akin ni Issei
"Sabi ko lang natalo ako hindi ko sinabing napatay niya ko" mukhang naguguluhan pa din silang lahat sa mga sinasabi ko kaya napabuntong hininga na lang ako, tsk sabi na nga ba mahihirapan akong magpaliwanag eh
"Ibig sabihin player din yung nakalaban natin kanina?" tanong ni Yumina, kung hindi ko nakaharap yung misteryosong nilalang kanina malamang aakalain ko din na player siya kaya nga lang kanina habang naglalaban kami napansin kong wala siyang IGN sa may uluhan niya kaya sigurado akong hindi siya player
"Imposibleng maging player yon dahil nakasisigurado akong ang tinalo ni Kaizer ang pinakamalakas na boss sa Kiriko Village which means wala ng mas malakas na boss na pwedeng magbigay ng mas magandang items sa area, at isa pa imposibleng nakarating na din siya dito dahil sarado pa itong ruta na to bago talunin ni Kaizer ang Black Dragon hindi ba?" mahabang paliwanag ni Kevin, actually may point si Kevin sa mga sinabi niya imposible talagang player ang nakaharap namin kanina pero isa lang ang sigurado ako sa susunod naming paghaharap tatalunin ko na siya!
"Umm Guys? Sa tingin ko dapat niyo na munang itigil yang pag-uusap niyo, tingnan niyo ang paligid" kinakabahang sabi sa amin ni Hanna, tumigil kami sa pag-uusap namin at tiningnan nga namin ang paligid, and what I saw left me dumbfounded
Yung malawak na kapatagan na punong puno ng buhay at luntian ang kulay ay biglang nawala at napalitan ito ng isang kagubatan na walang buhay, lahat ng mga puno sa paligid ay walang mga dahon, aakalain mong nagkaroon dito ng isang malaking sunog dahil kulay gray ang paligid. Sa hindi kalayuan natatanaw ko ang isang napakalaking kastilyo, ito na kaya yung pangalawang town?
"Guys nakita ko na yung hinahanap natin" sabi ko sa kanila. Agad naman silang napatingin sa akin kaya tinuro ko yung kastilyo
Isinantabi muna namin yung pinag-uusapan kanina at nagsimula ng maglakad, habang naglalakad kami ang weird ng pakiramdam ko para bang may napakalakas na presensya na nakaabang lang sa paligid namin, masyadong matindi yung pressre na nararamdaman ko isama mo pa ang pagiging weird ng paligid dahil wala kaming nakakasalubong na mobs sa daan.
Pagkatapos lang ng ilang minutong paglalakad nakarating na kami sa kastilyo, namangha ako dahil sa magandan ang pagkakadisenyo ng kastilyo, kahit na mapaghahalataang luma na ito mapapansin pa din ang angking kagandahan nito dahil sa mga makikinang na batong nakadisenyo sa kastilyo.
Pumasok kami sa loob ng kaharian at biglang may lumabas na notif sa VS namin.
[Announcement: The Second town or Arcadia Kingdom has been discovered by a party it is now unlocked to all players in the game, the kingdom has already been registered in your map.]
Binabasa ko pa yung announcement nang may bigla nanamang lumabas na notif sa VS ko
[Congratulations on discovering the Arcadia Kingdom as a reward you will receive]
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...