Chapter 73 - I'm Literally Going to Thera!

1.4K 83 16
                                    

Kaizer's POV

Pagkatapos kong patayin si Azazel ay umuwi na kami ng reyna ng Akuma kingdom sa Akuma, pagdating namin sa Akuma ay agad na inanunsyo ng reyna ang lahat ng mga nangyari at ang mga magiging pagbabago sa kaharian at sa buong kontinente

Maraming mga umangal noong una pero nang makita nila ako ay nanahimik din sila, pano ba naman sila hindi matatakot nakademonic form ako habang nakalabas ang terryfing aura ko

Pagkatapos ng anunsyong iyon ay medyo natigil na din ang kaguluhan sa Akuma, syempre expected na iyon, hindi naman kaagad pupwedeng bumalik ang lahat sa normal pagkatapos ng mga nangyari

Kakailangan pa ng kaunting panahon para tuluyan ng maisaayos ang lahat, isa pa tapos na ang trabaho ko dito sa kontinenteng ito... but actually masasabi ko ding hindi pa totally tapos ang trabaho ko dahil kailangan ko pang siguraduhin na maisasaayos nga talagang muli ang Demoria

Anyway ngayon ang plano ko lang muna ay magpahinga na, masyadong napagod ang utak ko sa ginawa kong pagtulong sa kontinenteng ito

Sumama lang ako sa reyna ng Akuma kingdom sa palasyo upang pagusapan ang mga hakbang na dapat gaiwn upang maisaayos ang lahat, pagkatapos noon ay umalis na din ako sa kahariang iyon at bumalik na ako sa Ningen sa Kitaria Kingdom

Dumiretso ako sa guild house ng United Arisen, pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng mga myembro ng United Arisen, nagulat nga ako dahil malaki laki din ang pinagbago ng mga myembro ng guild tapos ay napansin ko ding medyo kumaunti ang bilang nila

"Yow Kaizer!" narinig ko ang boses ni Kevin sa harapan kaya naman napatingin ako sa harap "Tapos na?" masigla niyang tanong sa akin kasabay ng pagakbay niya

"Yeah, but it's not done totally" sagot ko naman pagkatapos ay tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sa balikat ko

"Anyway kanina kasi nakita naming binalot ng kadiliman ang langit at sa kontinente iyon ng Demoria, ikaw ba ang may kagagawan non?" tanong niya

Imbis na magsalita pa ay tumango na lamang ako sa kanya, nang makita ni Kevin ang aking pagtango ay napakamot siya ng ulo kasabay ng pagngiti ng tagilid

"Mukhang halimaw ka na talaga sa larong to ah" nakangising sagot niya sa akin

"Oohh! Kaizer is back!" napatingin kami sa may hagdan ng marinig namin ni Kevin ang pagsigaw ni Issei, mula sa itaas ay nakarinig kami ng mga malalakas na yabag na patungo sa ibaba

Ilang saglit pa ay sabay sabay na bumaba ang mga kaibigan ko, lahat sila ay mayroong mga excited na ekspresyon sa kanilang mga mukha habang papalapit sa amin ni Kevin

"Yow guys" bati ko sa kanila ng makalapit silang lahat sa akin

"Tapos na yung trabaho mo Kaizer?" atat na tanong ni Chrissia

"Ano ng balita?" tanong din ni Kurt

"Marami ba yung nakalaban mo?" tanong naman ni Ardent

"Malalakas ba?" curious na tanong naman ni Hanna

"Ayos ka lang?" tanong naman ni Rhaine na naging dahilan ng pagtahimik ng lahat at ang pagkakaroon ng kakaibang ambiance sa paligid

Pero panandalian lamang iyon dahil sa biglang nagsalita si Issei ng

"Kaizer maraming chixx?" agad na napatingin sa kanya ang lahat ng mga kaibigan namin, masama at nakakatakot ang mga tingin nito pero dahil isang ugok si Issei ay napakamot na lamang siya ng kanyang batok habang mayroong naguguluhang ekspresyon sa kanyang mukha

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon