Chapter 53 - The Last Dragon Tribe

1.6K 75 2
                                        

Kaizer's POV

Lumipas ang mga araw at naging malaking usap usapan ang nangyaring kaguluhan nung nakaraan dahil sa ginawang paglusob ng isa sa mga Dark Guild na Scorpion ang United Arisen

Pero ang mas pinagusapan ng mga player dito sa Thera ay yung ginawa ko sa mga myembro ng Scorpion na lumusob sa guild house namin, maraming namangha dahil sa kakaiba ko daw lakas

Tuwing naglalakad nga ako sa ibang kaharian ay nararamdaman ko ang napakaraming titig sa akin, at may mga kasama pa itong bulung bulungan

Dahil din sa pangyayaring iyon ay mas lalong dumami ang sumali sa United Arisen Guild, may mga ibang player pa nga na nagquit sa mga guild nila para lang sumali sa guild namin

May mga nakuha din akong mga bagong myembro ng Shadows sa mga nagapply para sa United Arisen, syempre myembro sila ng dalawang guild dahil magkapatid naman ang dalawang guild

Anyway nakakuha ako ng limang bagong myembro ng Shadows, sila Zed o Xandri, si Fenrir na Nard sa totoong buhay, si Foci o Jeron in real life, Zhitsune o Hajime, at ang pinakahuli na si Demo o Junel

May nakita akong mga potential sa kanilang lima kaya naman nirecruit ko sila sa Shadows pero may binigay akong ibang task sa kanilang lima, marami na kasing myembro ng Shadows ang kasama sa expedition para sa pagdiskubre sa bagong kontinente

Sinabihan ko silang iuncover ang mga natitira pang hidden places dito sa unang Kontinente na hindi pa napapangalanan dahil mayroon pang isang kaharian ang hindi nakikita, sinabihan ko silang hanapin nila iyon ng sama sama at maghanap na din ng mga nakatago pang villages dito sa kontinente

Hindi kasi imposible na mayroon pang nakatagong mga village dito dahil katulad na lang sa Epiria na nakatago sa isang kweba, maaring mayroong iba pang katulad ng Epiria dito sa kontinenteng ito na hindi pa nadidiskubre

Kailangan kong iuncover lahat ng mga nakatagong lugar dito sa Thera dahil ayaw kong may maiwan na kahit na isang maliit na village pag dumating na ang panahon na lalabanan na namin si Divaevus

Anyway balik na tayo sa sinasabi ko kanina na maraming sumali sa guild, maraming mga player ang humanga sa mga myembro ng Shadows kaya naman nitong mga nakaraang araw ay dagsaan ang mga player na nagaapply para sa guild

Halimaw daw kasi ang mga myembro ng United Arisen, siguradong sa tulong na din nang mga bagong myembro ng United Arisen kaya naman kumalat ang tungkol doon

Well expected ko naman na yun sa kanila dahil sa mga halimaw naman talaga lahat ng myembro ng guild ko, sa palagay ko nga ay kasama sa top rankings yung mga myembro ng guild kong Shadows

Anyway back to reality na tayo, kasalukuyan kami ngayong nagmemeeting ng mga myembro ng Shadows pati na din sila Kevin at yung iba pa para pagusapan ang tungkol sa pagpapalakas namin ng depensa sa guild house namin

Wala na akong balak na maulit pa ang pangyayaring ito dahil baka hindi ko na makontrol ang galit ko at isa isahin ko na munang sirain ang lahat ng Dark Guild na binuo ng mga taga Earth dito sa Thera

Kung wala lang akong inaasikaso siguradong matagal ko na silang inubos lahat, kaya nga lang may mas importante akong ginagawa kaya naman kailangan muna nilang maghintay

Anyway nagsuggest si Kevin na gumawa kami ng isang protective barrier sa labas ng guild house at tanging ang mga myembro lamang ng United Arisen ang makakapasok

Sumangayon naman sila doon dahil mabuti naman talaga iyon, upang hindi basta basta mapasok ang guild territory namin ay kinakailangan namin ng protective barrier, ngayon pa't hindi namin alam kung may susugod pang ibang guild sa amin

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon