Kaizer's POV
Ilang minuto na ang lumilipas simula nang maubos ko ang mga myembro ng black skull na humaharang sa daraanan ko kanina
Ngayon ay kasalukuyan ko na lang hinihintay si Drake, siguradong anumang oras ngayon darating na din yon
At... hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko dahil dumating na si Drake, pagkakita niya sa akin ay agad siyang lumapit at nagfist bump kami sa isa't isa
"So kamusta laban mo?" nakangiti kong tanong sa kanya
"Ayos naman" nakangiti niyang sagot sa akin, sa nakikita ko sa kanya ngayon sigurado akong natalo niya yung tatlong ungas kanina
Sabi sa inyo kayang kaya niya yung tatlong ungas na yon eh haha
"Tara na at pabagsakin na natin yung leader ng black skull, ayoko nang magtagal sa nakakasurang lugar na to" napatawa si Drake dahil sa sinabi ko tapos ay tumango siya sa akin
Lumakad na ulit kami at pumasok pa sa isang pintuan sa gilid, pagbukas namin ng pintuan ay bumungad sa amin ang aabot sa halos isang daang player, at ang nakakatuwa dito ay lahat sila magaganda ang equipments
Lahat nang player na nasa kwartong ito ay mukhang malalakas... tandaan mukha lang haha
"Yoh bastards!" nakangising bati ko sa kanila, may halong pang-aasar ang tono ng boses ko kaya naman sumama ang timpla nang mukha ng ibang player
"So nagawa niyo palang makarating sa lugar na to" napatingin kami sa gilid ng may magsalita, isang assassin type player at mayroon siyang dalawang schmitar na nakasabit sa likod niya, ang cute nito dahil naglalabas ito nang itim na aura
Para tuloy gusto kong ipamigay sa newbie player yung schmitar niya haha
"Hey baldy" tawag ko sa kanya kalbo kasi yung player "Bigay mo na lang sa akin yung dual schmitar mo, pamimigay ko sa newbie player" nakangiting sambit ko sa kanya
Bigla na lang napatawa si baldy dahil sa sinabi ko, siguro ay akala niya nagbibiro lang ako, well para nga akong nagbibiro dahil sa tono ng pagkakasabi ko pero seryoso akong gusto kong kuhanin yung dual schmitar niya
Malakas yung item niyang iyon at hindi siya worth para sa item, baka nga tinangay niya lang din yan galing sa ibang player eh
Napatigil sa pagtawa si baldy nang bigla akong magdash sa kanya at binigyan ko siya ng isang malakas na liver blow, kumalat ang impact ng pagkakasuntok ko sa buong paligid dahilan para tumahimik ang lahat
Napasuka nang dugo na may kasamang laway si baldy habang hawak hawak niya ang tyan niya, dapat nga magpasalamat pa siya dahil hndi ko nilaksan yung suntok ko eh, kung nilaksan ko yon siguradong tatagos yung kamao ko sa katawan niya
Kinuha ko na yung dual schmitar niya tapos ay tumayo ako sa harapan niya kasalukuyan kasi siyang nakaluhod eh, unti unti niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin
"Akin na lang to ah" nakangisi ko pa ding sabi sa kanya tapos ay binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa mukha, tumagos yung paa ko sa mukha niya dahilan para kumalat yung lamang loob niya sa paligid
May narinig pa akong napa 'gasp' sa paligid pero hindi ko na pinansin, hindi ko alam na may bakla pala sa black skull
But don't get me wrong hindi porket nag 'gasp' ang isang lalaki ay isa na itong bakla, yung pagkakarinig ko kasi ng 'gasp' kakaiba eh, pangbakla talaga kaya ko nasabing may bakla sa black skull
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...