Kaizer's POV
Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa mga undead na nasa paligid ko, lahat nang mga nalapit sa akin ay pinaghihiwa ko nang pira-piraso
Nang magsawa na ko sa ginagawa ko ay tumalon ako sa ulunan nang isang undead at mula doon ay inikot ko ang paningin ko sa buong paligid, still no progress
Hiniwa ko ang ulo nang tinuntungan kong undead tapos ay nagpalipat lipat ako sa iba pa, hindi ko na pinapansin ang mga undead na nalapit sa akin pero kapag naramdaman kong tatamaan ako nang atake nila ay inuunahan ko na sila
Lumipas pa ang dalawang oras at wala pa din akong nakikitang boss, pagod na pagod na din ang mga kaibigan ko sa pakikipaglaban sa mga undead na hindi naman nauubos
Argh! Kaasar! Kung ayaw magpakita nang boss hahanapin ko na lang yung pinagmumulan nang mga undead!
Posibleng konektado ang pinagmumulan nang mga undead sa pwesto nang boss kaya naman, well I'll be hitting two birds with one stone
Bumwelo ako sa lupa tapos ay tumalon ako nang pagkataas taas, sa lakas nang pwersang nanggaling sa paa ko ay nagkaroon nang maliit na crater ang lupang tinutungtungan ko kanina lang habang ang mga undead naman na malapit sa lugar na iyon ay nagsipagliparan
Habang nasa ere ako ay nilibot ko ang paningin ko, mula sa hindi kalayuan sa pwesto ko ay may napansin akong isang magic circle at sa tabi nito ay maroong anim na halimaw na nakasuot nang mga baluti
Gotcha!
Pagkababa ko sa lupa ay agad akong dumiretso sa lugar na nakita ko kanina, nadaanan ko pa ang mga kaibigan ko na patuloy na nakikipaglaban
Napansin kong nahihirapan na sila kaya naman panandalian akong tumigil, ibinigay ko sa kanila ang limampung potion na nasa inventory ko
Kanina pa kasi sila inom nang inom nang mga potion kaya naman hindi na nakapagtataka kung naubusan na sila nang supply
Ikinuwento ko sa kanila ang nakita kong lugar kanina, sinabihan ko silang pupunta ako sa lugar na iyon habang sila naman ay ipagpatuloy ang pakikipaglaban
Nagsipagtanguan naman silang lahat sa sinabi ko kaya naman ay umalis na ako sa pwesto nila
Pagkarating ko sa lugar na nakita ko kanina ay sinalubong ako nang anim na halimaw, lahat sila ay nakasuot nang itim na baluti at may mga nakaukit dito na napakaraming bungo, sa gitna nang baluti sa may bandang dibdib ay mayroong maliit na magic circle
Sumugod sa akin nang sabay ang dalawang halimaw sa harapan, naghiwalay silang dalawa nang pwesto at sabay na umatake sa magkabilang gilid ko
Nailagan ko ang sabay nilang atake pero hindi sila tumigil na dalawa, ipinagpatuloy nila ang pagatake sa akin nang sabay sa magkabilang direksyon
Nang makakita ako nang opening ay agad akong nagdash papalapit sa kanila tapos ay hiniwa ko sa gitna ang isa sa dalawang halimaw, nakita ko ang sandata nang isang halimaw na papalapit sa akin kaya naman agad kong iniharang ang espada ko, sinuntok ko ang dibdib nang halimaw kaya naman napaurong ito, sinamantala ko para sunod sunurin na atakihin ang halimaw
Humarap ako sa apat na natitira pang halimaw tapos ay nagfighting stance ako, nagfighting stance na din ang mga halimaw nang makita nilang naghahanda na ko para sa pagatake
Inipon ko ang pwersa paanan ko at nang masiguro kong sakto na ito ay buong lakas akong tumalon papalapit sa mga natitira pang halimaw, pinaghihiwa ko ang mga katawan nang mga natitirang halimaw
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ciencia FicciónIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...