Chapter 83 - Taking the First Step

865 51 5
                                        


Kaizer's POV

Pagdating ko sa palasyo ng Arcadia Kingdom ay agad akong sinalubong ni Jules mula sa gate ng palasyo kasama ang iilang mga kawal

"Maligayang pagbabalik Kaizer" masaya niyang bati sa akin na siya ko din namang masayang tinugunan

"Salamat Jules" sabi ko sa kanya tapos ay nagkamay kaming dalawa

"Halika na sa loob ng palasyo" yakag niya sa akin "Matagal ka nang hinihintay nila King Chrono, pati si Queen Zelfa at lalong lalo na si Princess Shaira" dagdag niya pa kaya naman napangiti na lamang ako

Sa totoo lang namiss ko din naman silang tatlo lalo pa't ngayong sila na lamang ang natitirang mga nabubuhay na maituturing kong ikalawang pamilya ko na

Bawat madadaanan naming mga kawal ay nagbibigay galang sa aming dalawa lalo na sa akin, at ang nakakatuwa pa ay kinakamusta pa ako nang iba sa kanila

Hindi ko tuloy matanggal ang mga ngiti sa labi ko, pakiramdam ko kasi kahit na ma kulang sa akin ngayon may mga tao pa ding nagmamahal sa akin, may mga natitira pa ding mga tao na matatawag kong mga 'kaibigan' ko

Ilang saglit pa ang lumipas at nakarating na din kami sa harapan nang malaking pinto ng throne room at ang kwarto kung nasaan daw ngayon ang buong royal family

"Let me open this big door Jules" nakangisi kong sabi sa kanya na siya namang naging dahilan upang humugis ang isang malaking smirk sa kanyang mga labi kasabay nang pagthumbs up niya sa akin

Inilagay ko ang aking kanang kamay sa handle ng pintuan pagkatapos ay sandali akong bumuntong hininga, pagkatapos noon ay mabilis kong binuksan ang malaking pintuan kasabay nang paglabas nang mga salitang "I'm baaack!" sa aking mga labi

Natigil ang lahat ng mga tao sa loob ng throne room, nakarinig pa nga ako ng ilang mga basong nabasag kaya naman napa 'oops' na lang ako, pero ang pinakanakakatuwa sa kanila ay akala mo nakakita sila ng nilalang na namatay at muling nabuhay

"Uhh guys?" tanong ko sa kanila dahil magiisang minuto na ang lilipas at hindi pa din sila nagalaw sa mga kinatatayuan nila at mukha ngang hindi na nahinga ang iba pa "Hello?" muling sabi ko at this time napabalik na sa realidad ang karamihan sa kanila

Pero nagulat na lamang ako ng bigla na lamang ako makakita ng dalawang mga nakabukang braso sa aking harapan

"Daark!" masayang bati sa akin ni Prinsesa Shaira kasabay nang pagpulupot nang dalawa niyang braso sa aking bewang at ang pagyakap niya sa akin nang napakahigpit

Napangiti na lamang ako dahil sa pagbati niya sa akin pero nabawasan iyon nang maramdaman ko ang unti unting pagbasa ng aking damit

"Daark! I hate you! I hate you!" paulit ulit niyang sinasabi sa akin habang mahinang hinahampas ang aking dibdib, hinayaan ko lamang siyang gawin ang gusto niyang gawin pero nanatili pa din akong nakayakap sa kanya "Sa susunod na mawawala ka, sabihan mo muna ko para hindi ako nag-aalala sayo" naiiyak niyang sabi sa akin

Hinaplos haplos ko na lamang nang aking kaliwang kamay ang kanyang malambot niyang buhok, habang siya'y patuloy pa din sa paghampas sa akin habang nahikbi

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko nang makaramdam akong mayroong kamay na pumatong sa aking mga balikat, nang idako ko ang aking paningin sa pinanggalingan nang kamay ay bumungad sa akin ang nakangiting si King Chrono

"Glad to see you again Dark, matagal tagal na din mula noong huli tayong nagkita" masayang sabi niya sa akin habang si Queen Zelfa naman ay nakangiti lang sa akin sa gilid

Fantasy Realm OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon