Kaizer's POV
Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon at nakayuko habang nakasalpak ang earphones ko sa dalawang tenga ko, napakaaga ko kasing pumasok eh
"Yow Kaizer!" tsk! Kilala ko na kung sino to at sigurado akong mangungulit lang tong kumag na to "Ang aga snobber na agad" narinig ko pang sabi niya tapos ay umupo na siya sa upuan niya
Hindi ko na lang siya pinansin at itinungo ko na lang ang ulo ko, naririnig ko pa siyang daldal nang daldal pero hindi ko siya pinapansin, bahala ka sa buhay mo!
Ilang saglit pa mukhang napagod na siya sa kadadaldal niya, sa wakas tumahimik din
"Yow Kevin good morning!" tsk! Eto pa ang isang kumag "Oh Kaizer nadyan ka na pala, good morning din" bati ni Issei sa akin pero katulad ni Kevin ay hindi ko na lang din siya pinansin
Dahil sa parehas silang madaldal na dalawa silang dalawa na lang ang nagkwentuhan, naririnig ko pa nga silang nagtatawanan nang malakas eh
"Oi nandyan na pala kayo, good morning!" narinig ko nanaman ang isa ko pang kumag na kaibigan at sa tingin ko kumpleto na silang apat ngayon
Bahagya kong inangat ang ulo ko dahil pakiramdam ko may mga nakatingin sa akin, tch ano nanaman kayang kailangan nang apat na to sa akin?!
"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila
"Gusto naming malaman kung ano na ba talaga ang nangyari sa inyo ni Rhaine" seryosong tanong sa akin ni Kevin
Tch! Hanggang ngayon ba naman! Hindi ba sila marunong makaramdam?!
"I don't need to answer your question" cold na sabi ko sa kanya, babalik na sana ako sa pagtungo nang pigilan niya ko kaya naman inis akong tumingin sa kanya
"Please Kaizer tell us" nag-aalalang sabi sa akin ni Kevin kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kanya "Noong nakaraang tatlong buwan ok naman kayong dalawa eh, ang close niyo pa nga sa isa't isa na para bang strangers na lang kami kapag magkasama kayo tapos ngayon bigla na lang ganito ang mangyayari. Syempre mag-alala kami kasi kaibigan namin kayo" mahabang paliwanag sa akin ni Kevin, isa isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko at pare-parehas na puno nang pag-aalala ang mga mukha nila
Sandali akong tumahimik pagkatapos ay bumuntong hininga ako bago magsalita
"Honestly speaking I don't know what happened to us" sandal akong napatigil nang maalala ko nanaman ang mga pag-iwas na ginawa niya sa akin noon "Maybe im just giving her what she wants" sabi ko sa kanila tapos ay ngumiti ako nang pilit
Dahan dahan na akong tumayo sa upuan ko at naglakad palabas, nang malapit na ko sa pinto ay tumigil ako at bahagya akong humarap sa kanila
"Can you guys do me a favor?" tanong ko sa kanila, nakita ko namang nagsipag tanguan silang lahat bilang sagot "Don't bring that topic anymore" sabi ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas nang classroom
Kailangan kong munang magpahangin dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko, dumiretso na lang ako sa rooftop pero mukhang wrong move ang ginawa ko
Nakita ko sila Rhaine at Chrissia sa rooftop at mukhang nag-uusap sila, aalis na sana ako nang mapansin nila ko, tsk shit!
"Yow Kaizer!" narinig kong tawg sa akin ni Chrissia, huminga muna ako nang malalim bago ako humarap sa kanila
"Yo!" bati ko din sa kanya
"Tara dito!" sigaw niya sa akin, now im doomed!
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila, bawat hakbang na ginagawa ko ay parang napakabigat para sa akin, tsk! This is literally a fucking wrong move!
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Fiksi IlmiahIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
