Kaizer's POV
Linggo na ang lumipas magmula nang simulan ko ang paglalakbay upang isara ang lahat ng mga portal na naririto sa Earth
Linggo na din ang lumilipas ngunit ang kakaibang pangamba na nasa loob ng aking dibdib ay hindi pa din nawawala hanggang ngayon, sa halip pa nga ay mas lalo pa itong lumalakas kaya naman mas lalo kong binibilisan ang trabaho ko
I swear hindi na basta basta anxiousness tong nararamdaman ko, may something talaga na magaganap kaya ganito ang pakiramdam ko at isa lang ang natitiyak ko, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang maari kong matuklasan kapag hinanap ko na ang kasagutan sa tanong ko sa aking isipan
"Kaizer ayan na" sambit nang isa sa mga kasama ko sa misyong ito habang nakaturo sa isang portal hindi kalayuan sa aming pwesto
"Start the procedure now" seryosong sambit ko kasabay ng pagkuha ko ng aking espada sa aking tagiliran at ang bahagya kong pagwasiwas nito ng pahalang patungo sa harapang pwesto ng portal kung nasaan nakabantay ang ilang mga halimaw
Lumikha ng manipis na shock wave na kulay pula ang pwersang mula sa pagwasiwas ko ng aking espada na naging dahilan upang mahiwa sa kalahati ang katawan ng mga halimaw na nakabantay sa portal
Too bad hindi man lang nila nagawang ipagtanggol ang sarili nila sa kamatayan, well it's not like I care for them bruh
Worthless monsters that only knows how to destroy things that is precious to others
Matapos nang ginawa kong iyon ay lumapag na ang mga grand mages sa lupa at sinimulan na nilang gawin ang kanilang trabaho
Habang sinasara ng mga grand mages ang portal ay napagpasyahan ko na lang munang maupo sa taas ng isang malaking bato hindi kalayuan sa pwesto nila
Tutal kaya naman na ng mga kasama kong tauhan nila mama na patayin ang mga halimaw na lumalabas mula sa portal ay ipinaubaya ko na lamang muna sa kanila ang trabaho
Isinandal ko nang patayo ang aking espada sa gilid ng bato at ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa bato upang maging sandalan ko kasabay ng pagbend ko nang aking katawan patalikod habang nakaturo sa langit ang aking mukha
Mainit ang sinag ng araw pero hindi koi yon iniinda dahil pakiramdam ko nareresist naman ng katawan ko ang init, well hindi naman na iyon nakapagtataka pa since I have a blood of a god that is flowing inside my body
Even my parents are both supreme beings haha
Napakatahimik ng paligid at tanging ang huni lamang ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid ang maririnig kasama ang pagaspas ng hangin sa paligid, masyadong payapa ang lahat at para bang walang kaguluhang nagaganap sa paligid ko
It's been a while since I last feel this ambiance in my environment, sarap sa pakiramdam ng palaging ganito
Well nothing beats peace after all
Ineenjoy ko ang mumunting kapayapaang nadarama ko nang bigla na lamang akong makaramdam ng panganib sa paligid ko
Dali dali kong iminulat ang aking mga mata at kinuha ang aking espada, inikot ko ang paningin sa buong paligid upang hanapin kung saan nagmula ang aurang iyon
Pero nakapagtataka dahil wala namang mapagtataguan ang kahit na sino sa ganitong lugar dahil nasa gitna kami ng isang kapatagan which means that walang kahit na anong hambalang sa paligid at kahit naman meron ay malalaman ko pa dn ang eksaktong lokasyon ng kahit na sinuman
Pero nakapagtataka ngayon dahil wala akong nakikita o nararamdaman lamang na kakaibang aura sa paligid, ni bakas ng kakaibang aura na iyon ay wala at pakiramdam ko nga'y para bang imahinasyon ko lang ang lahat ng naramdaman kong kakaiba kanina
![](https://img.wattpad.com/cover/136520210-288-k679590.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...