Kaizer's POV
Kasalukuyan kami ngayong nasa throne rome ng kastilyo ng Arcadia at nakikipagkwentuhan sa royal family
Napagkasunduan kasi ng lahat na bumisita kami sa kastilyo dahil sa medyo matagal tagal na din ang huli naming bisita dito sa palasyo at baka magtampo na sa amin sila King Chrono
Actually kanina nga pagdating namin sa palasyo ay agad akong sinalubong ni Shaira sa pintuan pa lang ng palasyo at niyakap ako ng napakahigpit to the point na halos hindi na ako makahinga
Anyway pinaguusapan namin ngayon yung dahilan ng biglaan naming pagkawala daw at hindi na kami nabisita sa kaharian kaya naman yung mga kaibigan ko ay todo paliwanag, hinayaan ko na lang sila tutal gusto naman nila eh
Tsaka para na din madevelop yung rapport nila ni King Chrono
Anyway nasa veranda ako ngayon ng palasyo habang inililibot ang tingin sa buong kaharian, kitang kita ko kung paano muling bumalik sa dati ang Arcadia matapos itong salakayin ng black skull
Mayroon na ulit mga ngiti sa mga labi ng mga mamamayan ng Arcadia at medyo sumisigla na din ang paligid kaya naman natutuwa ako
But speaking of black skull mayroon akong narinig na muli daw nilang itinatayo ang guild nila somewhere pero walang nakakaalam kung totoo ang kumakalat na balitang iyon besides kung muli silang magaapear at gagawa ng kaguluhan dito sa Thera hindi naman na ako ulit magdadalawang isip pa na pabagsakin ulit sila
Anyway enough speaking about those trash oras ngayon ng pagrerelax at kailangan ko munang kalimutan kahit na panandalian lamang ang lahat ng mga pasanin ko sa buhay
"Bumabalik na ulit yung sigla ng kaharian" napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Shaira, tumabi siya sa akin at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko
"Yeah sumisigla na ulit ang buong Arcadia" sagot ko naman sa kanya habang nakatingin pa din sa buong kaharian ng Arcadia "Nga pala Shaira baka matagalan ang muli kong pagbisita sa Arcadia dahil may aasikasuhin akong importante" pagpapa-alam ko sa kanya, dahil doon ay iniangat niya ang ulo niya mula sa braso ko at tumingin sa akin
"Saan ka pupunta? Bakit ka aalis? Anong gagawin mo? Kailan ang balik mo?" sunod sunod na tanong niya sa akin kaya naman medyo napaurong ako ng kaunti sa kanya dahil habang nagsasalita siya ay unti unti siyang lumalapit sa akin
"Kalma ka lang" sabi ko sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at pinapakalma siya "Sasagutin ko ang naunang tatlong tanong mo sa isang sagot lang. Aalis ako upang pumunta sa ibang kontinente at diskubrehin ang mga nakatagong kaharian doon at ang balik ko naman ay hindi ko alam" seryosong saad ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata, napansin kong may namumuong ktristal na tubig sa gilid ng kanyang mga mata
Agad kong inilapit ang hintuturo ko sa gilid ng kanyang mga mata at pinunsan ang mga luhang nagbabadyang pumatak
"Don't cry" nakangiti kong sabi sa kanya pero honestly ay nalulungkot ako "It's not like Im going away forever, promise kapag mayroon akong free time ay bibistahin ko kayo dito sa Arcadia" dagdag ko pa para naman medyo gumaan ang kalooban niya
Alam kong ayaw ni Shaira na umalis ako dahil malulungkot siya ng sobra pero hindi ako maaring magstay na lang dito, may kailangan akong gawing importante na tanging ako lamang ang makagagawa
Kung hindi ako kikilos siguradong magugunaw ang mundong ito pati na din ang Earth at iyon ang hindi ko hahayang mangyari
"Naiintindihan ko" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko kaya naman napangiti ako, niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman yumakap dito ako sa kanya, I should let her feel my warmth and presence para naman hindi siya ganoong malungkot kapag umalis na ako
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
