Kaizer's POV
Matapos kong magpaalam sa anghel at demon ay sinimulan ko na agad ang paglalakbay ko patungo sa Macai para hanapin ang Crystal of Death at kasalukuyan ako ngayong lumilipad habang hawak hawak ang mapa sa aking mga kamay
Ayon dito sa mapa ay nakatago ang Crystal of Death sa isang palasyo na matatagpuan sa loob ng isang misteryosong kweba
Medyo malayo ang lugar kung kaya naman...
Booooogsssh!
The fuck was that?!
"Roooooooar" hindi kalayuan sa pwesto ko ay nakatayo ang isang nilalang na nababalot ng itim na usok, ang katawan nito ay kapareha ng sa isang tao ngunit doble ang laki nito at tanging ang mga dilaw lamang nitong mata ang makikita sa kanyang mukha
Mayroon itong dalawang mahabang braso at matutulis na mga kuko, at sa likuran nito ay pumapagaspas ang dalawang itim na pakpak
"Damn you, get out of my way!" asar na sigaw ko dito pagkatapos ay balak ko sanang magpalit ng anyo bilang Evil God pero nagulat ako ng iba ang mangyari sa inaasahan ko
Ang katawan ko ay nabalot ng itim at puting enerhiya pagkatapos ay unti unti kong napansin ang pagbabago ng aking anyo
Lumabas mula sa aking dibdib ang dalawang linear engravings na bumalot sa aking katawan, ang isa ay kulay pula habang ang isa naman ay puti. Kasabay nito ay ang pagbabago ng kulay ng aking balat na naging puti
Ang aking katawan ay nabalot ng armor maliban na lamang sa aking dibdib hanggang sa aking bewang, ang armor ay pinaghalong kulay pula na inukitan ng kulay itim at ito ay naglalabas ng parehong enerhiya mula sa Eden at Macai
Ang aking mukha ay bahagyang nabalot ng armor pero kapansin pansin pa din ang mga linear engravings na para bang tattoo sa aking pisngi at ilong, ang mga mata kong kulay itim ay nagbago din ang kulay, ang kaliwa ay naging crimson red habang ang sa kanan naman ay naging golden blue
Sa aking likuran ay tumubo ang isang dalawang pares ng pakpak, ang isa ay gawa mula sa itim na enerhiya habang ang isa naman ay mula sa dilaw na enerhiya
Woah! Ito na ba yung epekto ng pagsasama ng demonic at angelic powers ko
"Roooaaarrr!" oops may kalaban nga pala, gotta finish this fast
"Heaven's Smite!" sigaw ko at mula sa langit ay lumabas ang isang dambuhalang dilaw na magic circle at mula rito ay lumabas ang isang dilaw na enerhiya na bumulusok patungo sa misteryosong nilalang na humarang sa akin
Kasabay ng paglaho ng magic circle ay ang paglaho din ng misteryosong nilalang, tanging ang bakas lamang sa lupa ng skill ko ang ala-ala na naroroon siya sa lugar na iyon bago siya tuluyang maglaho
Pero hindi ko na ito pinansin pa at itinuloy na lang ang paglalakbay ko
Sa aking paglalakbay ay nakasalubong pa ako ng mga nilalang na katulad niya at iba pang mga halimaw na nakatira sa Macai pero hindi sila naging problema dahil isang wasiwas lamang ng aking kamay ang kailangan upang tuluyan na silang maglaho sa Macai
Makalipas ang halos apat na oras na paglipad ay narating ko na din ang bunganga ng kweba kung saan nakatago ang palasyo na kinalalagyan ng crystal of death
Itinago ko na ang mapa at pumasok sa loob ng kweba, habang naglalakad ako papasok ay sinubukan kong alamin kung merong halimaw sa loob pero mabuti na lamang at wala
Kung kaya naman ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at pumasok na agad ako sa loob para hanapin ang kastilyo
Matapos ang ilang minutong paglalakad sa loob ng kweba ay sa wakas naaninag ko na din hindi kalayuan ang liwanag, ng marating ko ito ay agad na gumuhit sa aking labi ang isang matamis na ngiti
![](https://img.wattpad.com/cover/136520210-288-k679590.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...