Chapter 31 - Black Skull Guild

1.9K 77 2
                                    


Kaizer's POV

Paggising ko ay diretso na ko sa banyo at ligo, pagkatapos kong gawin ang daily routines ko ay bumaba na ko nang kwarto ko

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko sila mama at papa na nagkakape

"Morning ma, pa" bati ko sa kanilang dalawa, bumati din naman sila sa akin pabalik tapos ay sabay sabay na kaming nag-almusal

Pagkarating ko sa school ay as usual nakahileran nanaman yung mga walang kasawa-sawa kong fans club at as usual pa din hindi ko sila pinansin, masyadong masakit sa tenga yung mga hiyaw nila

Pagdating ko sa classroom ay nakita ko si Izumi na nagkakalkal sa cellphone niya at mukhang hindi maganda ang mood niya ngayong araw

"Yoh! Morning" bati ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin at nanatiling nasa cellphone niya ang atensyon niya

Hindi ko na lang din siya pinansin at sa halip ay umupo na lang ako sa pwesto ko, isinalpak ko na lang ang mga earphones ko sa tenga ko tapos ay nagplay ako nang music

Habang nakikinig ako nang music ay napatingin ako sa screen nang cellphone ni Izumi, nanlaki ang mata ko nang makita ko kung anong nakalagay sa screen nang cellphone niya

Shit! Picture ko yung nakalagay sa cellphone niya, kuha ito nung kababa ko lang nang royal carriage kasama ang royal family

Marami pa akong nakikitang picture ko pero hindi iyon ang inaalala ko,nang tingnan ko si Izumi ay napaurong ako dahil ang sama nang tingin niya sa akin

"Ah hehehe" kinakabahang sabi ko sa kanya habang kinakamot kamot ko ang batok ko

"Would you kindly explain?" nakakatakot ang boses niya ngayon, para siyang yandere character sa isang anime, shit nagsisipagtayuan tuloy yung mga balahibo ko sa katawan eh

"Ahh magkaibigan kasi kami nang hari nang Arcadia kaya naman kasama niya ko" paliwanag ko sa kanya

Teka nga lang bakit nga ba siya nagagalit sa akin? Ano naman kung kasama ko nga yung royal family? It's not like I have obligations to tell her what I want to do in my life so why is she angry?

"Paano mo naging kaibigan yung royal family nang Arcadia?" muli ay naramdaman ko nanaman yung yandere character kaya naman napaurong nanaman ako nang kaunti

"Mahabang kwento" hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na iniligtas ko ang Arcadia sa muntikan na nitong pagkasira mula sa kamay nang Diskoure

"Pwes ikwento mo!" sigaw niya sa akin kaya naman napaurong nanaman ako, shit naman oh para tuloy akong may ginawang kasalanan at ngayon ay iniinteroga ako eh

"Hindi pwede" sagot ko sa kanya "Tsaka bakit ka ba nagagalit sa akin? Ano naman kung ka-close ko yung royal family nang arcadia?" napatigil siya nang marinig niya ang sinabi ko

Napaayos siya nang upo tapos ay yumuko siya, uh... from what I experienced in watching animes's alam ko na kung anong nangyayari ngayon

Hahawakan ko sana ang balikat niya nang bigla niyang inangat ang ulo niya kaya naman nakita ko ang mukha niya, teary eyed na siya ngayon at namumula ang mukha niya

Para tuloy siyang bata, but honestly ang cute niya hah

"Waaaaaa! Nakakapangtampo ka! Kaya pala ayaw mo akong samahan kagabi kasi makikipagkita ka sa royal family nang Arcadia! Dapat sinama mo na lang ako hindi naman ako maglilikot eh!" sunod sunod na sabi niya habang pinagpapalo ang dibdib ko pero mahihina lang

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon