Chapter 12 - Acquired a New Title

2.2K 93 4
                                    


Kaizer's POV

Literal na napanganga ako sa nasasaksihan kong laban ngayon, papaanong? Papaanong parang laro lang sa kanya ang pakikipaglaban sa Diskoure samantalang sigurado akong napakalakas ng kalaban niya ngayon!

Ginamit na lahat ng Diskoure ang mga skills niya pero wala lang ito sa nilalang na kumokontrol sa katawan ko ngayon, lahat ng mga atake ng Diskoure ay walang epekto sa kanya, shit! Paanong nangyaring naging ganyan ako kalakas ng siya na ang kumontrol ng katawan ko?!

"P-please s-spare m-me" nagmamakaawa na ngayon ang Diskoure sa kanya, pero parang walang narinig ang nilalang na kumokontrol sa katawan ko ngayon, sa halip na mabakasan ng awa ang mukha nito parang natutuwa pa ito sa mga nangyayari!

"Die" sabi ng nilalang na kumokontrol sa katawan ko pagkatapos ay isinaksak nito ang espada ko sa ulo ng Diskoure, akala ko ay titigilan niya na ito dahil patay na ang Diskoure pero nagkamali ako inulit ulit niyang isaksak ang espada ko sa ulo ng Diskoure

What the fuck?! Anong ginagawa niya? Patay na yung Diskoure bakit kailangan pa niyang ulit-uliting saksakin ang ulo nito?! Natigil ang pagiisip ko ng makarinig ako ng malakas na pagtawa

"Hahahahahahahaha" para bang nababaliw na na tawa ng katawan ko, ilang saglit pa tumingin ito sa kawalan pero sigurado akong hindi talaga ito sa kawalan nakatingin "Now kid! That's how you use your power!" malakas na sigaw nito

Nakakatatakot! Nakakatakot tingnan ang sarili ko ngayon, kahit na hindi ako ang kumokontrol sa katawan ko kinikilabutan ako sa nakikita ko, hindi ko kayang isipin na magiging ganyan ako, hindi!

Ilang saglit pa bigla na lang nawalan ng mala yang katawan ko at natumba ito sa lupa, teka anong nangyari sa katawan ko?! Naguguluhang tanong ko sa isipan ko

"Huwag kang mag-alala bata ayos lang yang katawan mo" nagulat ako ng may biglang nag salita sa tabi ko kaya't napa urong ako sa kabila, tiningnan ko yung nagsalita at nakita ko yung nilalang na kamukha ko

"Ayos ba bata?" natatawang tanong niya sa akin

"How did you do that?" kahit na natatakot ako mas nangibabaw pa din sa akin yung curiousity na malaman kung paano niya natalo ng ganon ganon lang yung Diskoure

"Nah that Diskoure thing was an easy enemy for me, actually hindi ko pa nga pinapakita yung 1/4 ng lakas ko eh" mayabang niyang sabi, tsk! Ang hangin

Napailing na lang ako sa kayabangan ng nilalang na kaharap ko ngayon

"So kid do you want to be strong like me?" tanong niya sa akin pagkatapos ay umupo siya sa isa sa mga upuan

"Hell no!" malakas na sigaw ko sa kanya, hinding hindi ako magiging halimaw na kagaya niya!

"Tsk, I'm not a monster kid, I'm a part of you" sabi niya sabay blink sa harapan ko "Wether you like it or not I'm a part of you, I'm living within you" sabay turo sa may bandang puso ko

Napalayo ako sa kanya dahil kinikilabutan ako sa presensya niya, halimaw talaga!

"Why kid? Are you bothered that a monster like me lives within you?" sabay tawa niya ng malakas na para bang nababaliw na

"Your're crazy!" sigaw ko sa kanya

"And so you are" sagot niya naman, fuck this guy! Hindi ako katulad ng nilalang na to!

"Shut up!" malakas na sigaw ko dahilan para tumawa siya ng pagkalakas lakas, argh! This creep is already getting in my nerves!

"See you're a monster also, if you can only see your eyes when you shout a while ago you'll see extreme anger and madness" sabay lapit niya ulit sa akin "Like mine" dagdag niya pa sabay tawa ng malakas

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon