Chapter 88 - The Beginning of the Final War

404 30 3
                                    

Kaizer’s POV
Matapos kong bumalik sa Thera ay agad kong hinanap si gramps pero mukhang hindi na pala kailangan dahil siya na mismo ang lumapit sa akin
“Kaizer kailangan nating magusap” seryosong sabi nito na agad ko namang sinangayunan “Kung ganon ay tayo na” sa isang iglap ay bigla na lamang kaming nagteleport sa misteryosong kastilyo kung saan ko siya unang nakita
Habang naglalakad kaming dalawa ay hindi ko maiwasang magtanong “Gramps akala ko ba may ilang linggo ba bago dumating si Divaevus, kung ganon ay bakit bigla na lamang ganito ang nangyari”
Napabuntong hininga ng malalim si gramps bago niya ako sagutin “Sa totoo lang Kaizer ay maski kami ay hindi namin alam kung bakit bigla na lamang nagsipagsulputan ang mga halimaw mula sa Thera sa Earth. Pero ang hula namin ay mayroong kung sinong gustong lumikha ng kaguluhan sa dalawang mundo at isa lang ang sigurado ako, kung sino man ang nilalang na iyon ay siguradong kakampi siya ni Divaevus” napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang paliwanag ni gramps
Kung ganon ay may kung sino pang hayop ang nagtatago sa kung saan at gustong magdulot ng kaguluhan
Damnit! Bagong kalaban nanaman na dagdag sakit ng ulo
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang kwarto kung saan kami palaging nagpupulong, walang tao sa loob ng kwarto kaya naman medyo nagulat ako pero mukhang napansin iyon ni gramps kaya nauna na siyang magpaliwanag “May inaasikaso silang importante kaya naman tayong dalawa lang ang naririto ngayon, isa pa alam naman na nila ang mga sasabihin ko sayo kaya naman hindi na nila kailangan pang pumunta dito” tumango na lamang ako at naupo
“Kaizer alam kong marami kang katanungan pero mas importante itong sasabihin ko sa iyo” mabilis kong itinikom ang aking bibig ng marinig ko ang seryosong boses ni gramps “Ayon sa mga impormasyon naming nakalap ay hindi na maganda ang kalagayan natin ngayon, nasa panganib ang Thera at ang Earth dahil sa mga hukbo ni Divaevus. Ang mga halimaw na gumagala sa Thera ay isa isa ng sumusuko at sumasama sa hilera ng mga kawal ni Divaevus at hindi ito magandang balita para sa atin. Bukod pa dito ay may kung anong malakas na pwersa ang bigla na lamang yumamig sa buong Thera  na muntik ng magdulot ng malaking kaguluhan, mabuti na lamang at mabilis namin itong naagapan nila Absinthe at Kiran. Ngunit ang pinakamalaking problema nating kinakaharap ngayon ay ang misteryosong nilalang na pinagmulan ng pwersang iyon, kailangan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon lalo pa’t kulang na kulang na tayo sa oras at hindi mo pa nakokontrol ng lubos ang iyong kapangyarihan” naikuyom ko na lamang ang aking mga palad ng marinig ko ang mga dagdag na problemang kailangan naming harapin
Pero mas naiinis ako sa sarili ko, dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko pa din nagagawang gisingin ang dalawa pang mga nakatago kong kapangyarihan
Tama si gramps sa mga sinabi niya, sa kalagayan ko ngayon ay wala kaming tsansang manalo laban kay Divaevus
Kung ang mga kumag na heneral lang ng mga hukbo ang kalaban ko ay walang magiging problema pero kapag sumali na sa laban si Divaevus ay tiyak na hindi man lang tatagal ng isang minuto ang laban naming dalawa
Kaasar!
I always talk big pero kapag dumating na ang oras ay palagi na lang akong walang magawa, oo at may malakas akong kapangyarihan
I have the power to slay countless monsters left and right, I have the power to restore a whole continent and bring down a powerful organization full of powerful demons, I have the power that is being recognized by a dragon god… I have a bloodline of a god and yet… I feel useless
What’s the point of having this power if I can’t even protect the world that I have grew up in and the world wherein I started my adventure from a goddamn destroyer
My parents died because im weak… even my friends perished because of me
I didn’t even realized that something happened to them… Im indeed too naïve
“Kaizer wag mong masyadong maliitin ang sarili mo, hindi mo kasalanan ang nangyari sa iyong mga magulang at mga kaibigan. Sigurado akong kung nasaan man sila ngayon ay nakangiti silang nagbabantay sayo at naniniwala sa kakayahan mo” hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha ng marinig ko ang mga salita ni gramps “Kaizer lagi mong tandaan na hindi masama ang makaramdam na maging mahina, dahil ang pagiging mahina ay parehas ding sumisimbolo na marami ka pang mga natatagong kakayahan na naghihintay lamang upang iyong matuklasan. Mahina ka ngayon hindi dahil wala kang kakayahan, ito ay dahil sa hindi mo pa nagagawang matuklasan ang mga natatago mo pang potensyal Kaizer” paliwanag sa akin ni gramps “At ang mga potensyal na tinutukoy ko ay naghihintay lamang sayong tuklasin mo sila dito…” itinuro ni gramps ang eksaktong lugar kung saan nakalagay ang misteryosong lugar kung saan nagmumula ang mga kapangyarihan ko
Sa isang iglap ay para bang bigla na lang tumigil ang takbo ng oras
At sa loob ng aking katawan ay naramdaman ko ang unti unting pagsasama ng demonic at angelic blood na dumadaloy sa katawan ko
Habang patuloy na nagsasama ang dalawa ay nararamdaman ko ang tuloy tuloy din na paglakas ng mga kapangyarihan ko
Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari dahil bigla na lamang nagdilim ang buong paligid ko
Ng imulat ko ang aking mga mata ay nakahiga na ako sa isang kama, nang mahimasmasan ako ay mabilis akong bumangon at ininspeksyon ang buong paligid
Mukhang nasa loob pa din ako ng misteryosong kastilyo pero hindi ko maintindihan kung bakit ako napunta dito?
Habang nagiisip ako ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si gramps sa kwarto dala dala ang ilang mga platong may laman ng pagkain, ng makita niya akong gising ay agad itong ngumiti sa akin at lumapit
“Gising ka na pala Kaizer, kumain ka na muna para naman manumbalik na ang lakas ng katawan mo” doon ko lang din napansin na nanghihina nga ang buong katawan ko kaya naman hindi na muna ako nagtanong pa at nagsimula ng kumain “Pagkatapos mong kumain ay dumiretso ka sa Arcadia Kingdom at tumungo ka sa palasyo, may mga importante pa tayong paguusapan” pagkatapos noon ay umalis na si gramps at ako naman ay nagpatuloy na sa pagkain
Pakiramdam ko ay parang hindi ako nakakain ng buong isang buwan, mabuti na lamang at maraming hinatid na pagkain si gramps
Habang nakain ako ay hindi ko pa din iwasang magtaka, bakit bigla na lamang nagsanib ang demonic at angelic powers ko?
Sinubukan kong pakiramdam ang demonic at angelic powers ko pero kahit anong gawin ko ay wala na akong nararamdaman pang kahit na anong esensya ng angelic at demonic powers ko
Dahil dito ay napatigil ako sa pagkain at muli ko ulit sinubukang alamin kung ano ang nangyari sa dalawa kong kapangyarihan pero bigo ako
Kahit anong gawin ko ay wala na akong maramdamang demonic at angelic powers sa katawan ko, ngunit sa kabilang banda ay may misteryosong esensya na dumadaloy sa buong katawan ko
At kumpara sa demonic at angelic powers ko ay hindi hamak na mas malakas ang kapangyarihang ito
Just what the hell happened?
Damnit! Can’t think right now, saka ko na aalamin kung anong nangyari
Sa ngayon ay mas mahalagang manumbalik ang lakas ng katawan ko, at saka sabi ni gramps ay may mahalaga pa kaming paguusapan sa Arcadia
Every second counts, kaya dapat walang masayang na oras

3rd Person’s POV
Samantala, matapos ang isiwalat ni Kaizer ang katotohanan sa buong mundo ay nabalot ng matinding pagbabago ang lahat
Marami ang mga hindi makapaniwala sa kanilang mga nalaman, marami ang mga nangangamba, natatakot at mga nababalisa
Sa kabilang banda ay mayroon din namang mga natuwa sa mga nalaman nila, hindi dahil sa mayroong nilalang na nais wasakin ang Earth kung hindi dahil sa natuklasan nilang mayroon na silang mga kapangyarihan
Sa loob lamang ng isang araw ay napakalaki ng naging pagbabago ng mundo, mula sa mundong teknikal at siyentipikal ay nadagdagan ito ng mahikal
Mahika...
Isang salita na ang alam ng lahat ay tanging sa mundo lamang ng pantasya matatagpuan ngunit sino ang magaakalang darating ang araw matutuklasan ito sa isang mundong bumabase sa siyensya
Kung kaya naman napakalaking pagbabago nito para sa karamihan
Gayunpaman ay masasabing nababalot ng crisis ang buong mundo, maraming mga tao ang nagtatanong sa kani-kanilang mga gobyerno kung ano ang magiging hakbang nito para sa mga mamamayan ng kani-kanilang mga bansa
Habang nagkakagulo sa lansangan ay tuloy tuloy naman ang pagpupulong mga mga gobyerno ng iba’t ibang mga bansa
“Sa aking palagay ay kailangan nating sumunod sa binatang iyon” mungkahi ng isang gobernador
“Bullshit! Sumunod? Bakit pa, ngayon at may kapangyarihan na tayo hindi na natin kailangan pang matakot sa kahit sino pa man” tutol naman ng isa pa
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ng binatang iyon, may nakakatakot na nilalang na paparating sa ating mundo at tanging sila lamang ang handa para harapin ang nilalang na iyon” singit naman ng isa pa
“Tama, at isa pa ayon sa binatang iyon ay nakahanda silang tanggapin ang kahit na sinuman” pagsangayon naman ng isa pa
“Hmp! Masyado kayong natatakot sa mga babala ng binatang yon” singit ng isa pa
“Kung totoo ngang mayroon ngang nilalang na gustong wasakin ang mundo natin ay sa tingin ko naman magagawa natin itong labanan, ngayon pa at mayroon na tayong mga kapangyarihan at idagdag mo pa ang mga malalakas nating mga sandata” dagdag naman ng isa pa
Isa lamang iyan sa mga halimbawa ng mga pagpupulong na nagaganap sa buong mundo, nagtatalo ang mga taong gustong sumama kay Kaizer at manghingi ng masisinlungan sa Ignis City at ang mga matitigas ang ulong mga tao na nagsasabing kayang kaya naman nilang protektahan ang mga teritoryo nila
Mayroong mga bansang naghahanda ng ilikas ang mga mamayan nila patungong Ignis at mayroon din namang mga matitigas ang ulo na ayaw makinig
Gayunpaman ay patuloy pa din ang pagpapabalik balik ng mga refugee ships mula sa Ignis City, marami na ang mga nailikas at marami pa ang mga gustong lumikas
Pero hindi pa maiiwasan na may mga taong gustong manggulo kung kaya naman marami rami na din ang mga literal na napapatahimik ng mga gwardya mula sa Ignis City
Habang nababalot ng crisis ang buong mundo at nagkakagulo ang lahat ay mayroong isang misteryosong nilalang ang tahimik na nakaupo sa madilim na kweba
Nakaupo ito sa gitna ng isang malaking itim na magic circle at nagkalat ang mga itim na kandila sa paligid nito, nababalot ng nakakatakot na aura ang buong paligid at ang lahat ng mga buhay na nilalang na aksidenteng napapalapit sa kweba ay namamatay
Maski ang mga punong berdeng berde kani kanina lamang ay mga nalanta na, ang lupa na hitik na hitik sa mga sustansya ay naging kulay itim
“Invoke!” bigla na lamang yumanig ang buong paligid
Ang mga lupa sa paligid ng kweba ay bigla na lamang nahati at mula dito ay sunod sunod na nagsipaglabasan ang iba’t ibang uri ng mga halimaw
Animo’y mga batang nabigyan ng magandang laruan ang mga halimaw na naguunahang makaalis sa madilim na hukay, at ang mga nauna ng makalabas ay nagsimula ng magtakbuhan sa iba’t ibang mga direksyon habang may mga nakakatakot na kislap sa kanilang mga mata
“Hahahahaha! Simulan niyo na ang pagwasak sa mundong ito!” malademonyong sigaw ng misteryosong nilalang na siya namang ikinatuwa ng mga halimaw
Ang lahat ng madadaanan ng mga halimaw ay nawawasak, wala silang pinipiling kahit na ano
Ang mga puno ay nagsisipagtumbahan, ang mga hayop ay namamatay, ang mga halaman ay nalalanta, at ang lupa ay namamatay
Samantala, sa isang madilim na bahagi ng kalawakan ay may isang nakakatakot na nilalang ang mabilis na lumilipad patungo sa Thera at Earth
Nababalot ng misteryo ang nilalang na ito at ang magpapakita lamang ng kanyang pagkakakilanlan ay ang kanyang mga matang nababalot ng walang hanggang kadiliman
Sa likod ng misteryosong nilalang na ito ay ang libo-libong iba’t ibang uri ng halimaw
Walang nakakaalam na ito na pala ang pagsisimula ng pinakamadilim na panahon sa buong kasaysayan ng Earth
Ang huling digmaan ay malapit ng magsimula at ang wakas ay sinisimulan ng isulat sa libro ng pagtatapos

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon