Chapter 62 - Cursed Demonic Hero VS The Evil God

1.4K 65 3
                                    


Kaizer's POV

Kasalukuyan kong kaharap yung cursed demonic hero, pansin kong nakatitig siya sa akin kaya naman nakipagtitigan din ako sa kanya

It looks like we're both measuring the capabilities of each other

Ilang saglit pa ay pumorma ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang labi, kasunod noon ang paglalaho niya sa kanyang kinalalagyan

Actually hindi naman talaga siya nawala, nagdash lang siya papalapit sa akin kaya naman hinawakan ko na ng mahigpit ang espada ko at nagdash din ako papalapit sa kanya

Nagtama ang mga espada namin ay nagkaroon ng malakas na air pressure na naging dahilan ng pagkakaroon ng crater kinalalagyan namin

Habang magkadikit ang mga espada namin at nagpapalitan kami ng pwersa ay napansin kong bumuka ang bibig nito

Parang gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na boses mula sa bibig niya, something's odd

Ilang saglit pa ay mas lalong pumula ang mga mata niya kasabay noon ang paglakas ng pwersa niyang ibinabato sa akin

Dahil doon ay unti unti akong napapaurong mula sa kinalalagyan ko, bahagya akong napangiwi dahil sa nangyayari ngayon

Kakaiba ang lakas ng isang to at sigurado akong hindi pa ito ang limitasyon ng lakas niya, may nararamdaman akong kakaiba sa isang to given na isa siyang Infernal type boss

Mas nilakasan ko pa ang pwersang inilalagay ko sa espada ko kaya naman kahit na paunti unti ay nagawa kong makipagsabayan sa lakas niya

Ilang saglit pa ay bigla na lamang siyang nawala mula sa kinalalagyan niya at nang mahanap ko ang presensya niya ay nakita ko siya na lumulipad sa ere gamit ang malalaki niyang kalahating itim at puting pakpak, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko

Napansin kong ichinacharge niya ang espada niya dahil nagliliwanag ito, ilang saglit pa ay pinagkrus niya ang dalawa niyang espada at mula roon ay may lumabas na kulay pulang nahahaluan ng itim na wave

Bumulusok ito patungo sa akin at napakabilis nito, agad akong lumipad papalayo sa pwesto ko kanina pero bigla ko na lang siyang naramdaman sa likuran ko kaya naman agad akong tumigil at nagback step kasabay noon ang pagdaan sa harapan ko ng isa sa mga espada niya pero hindi ko muna iyon pinansin dahil papunta na sa akin ang isa niya pang espada

Mabilis kong iniharang ang espada ko doon kasunod ng pagcast ko ng shadow walker, mabilis akong nagblink sa likuran niya at hiniwa siya ng espada ko pero nagawa iyong madeflect ng armour niya, dahil doon ay agad akong dumistansya sa kanya

Shit! Hindi ko naisip na napakatibay pala ng suot suot niyang armour

Fuck! Im an idiot! Dapat inexpect ko na yon nung una pa lang dahil sa isang Infernal Boss ang nasa harapan ko ngayon!

Natigil ako sa pagiisip ng tumambad sa harapan ko ang isa nanamang pulang wave mula sa demonic hero, agad akong tumalon para makailag pero habang nasa ere ako ay may isa nanamang pulang wave ang papunta sa akin kaya naman agad kong binuka ang mga pakpak ko at lumipad papalayo pero hindi pa din ako tinigilan ng demonic hero at pinaulanan niya ako ng sunod sunod na wave

Aaminin ko hirap na hirap akong iwasan ang mga atakeng pinapakawalan niya, nasa ibang level ang lahat ng mga iyon kumpara sa lahat ng mga nakalaban ko

Isa pa siguradong hindi maganda ang mangyayari sa akin kapag tinamaan ako ng kahit na isa man lang sa mga wave na pinapakawalan niya

Nang makadistansya ako sa kanya ay agad akong nagtago sa isang puno at sandaling umupo sa sanga, pero sandali lamang iyon dahil biglang lumitaw sa harapan ko ang demonic hero at mabilis na iwinasiwas sa akin ang dalawang espada niya, mabuti na lamang at agad akong nakayuko

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon